Mabilis kong hinawakan si Cana at tinago sa likuran ko na kinagulat niya.

"Bakit ano 'yun Viggo?" Tanong niya ngunit tahimik lang ako na nakikiramdam sa paligid.

Tatlo? Hindi! siyam na mga bampira ang nararamdmaan kong papunta sa kinatatayuan namin ngayon.

"Dali sumampa ka sa likod ko!" Utos ko sa kaniya at agad niya naman itong ginawa saka ako tumakbo nang mabilis pabalik sa Majiro Kingdom ngunit agad akong napaurong nang makita ko ang apat na mga bampira sa dadaanan namin kaya naman pumihit ako pabalik at pinilit na lang tumakbo nang mabilis pabalik sa border.

"Anong nangyayari Viggo? Bakit sobrang namamadali ka!" Tanong niya habang mahigpit na nakakapit sa balikat ko, hindi niya siguro na sundan ang mabilis na galaw ng mga bampira sa harapan namin kanina.

"Sinusundan tayo ng anim na bampira, mukhang mga common vampire sila pero masyado silang marami," sagot ko sa kaniya at na ramdaman ko agad ang tensyon sa katawan niya.

Kung ako lang ang narito ay makakaya ko silang harapin nang walang problema ngunit kung kasama ko si Cana na isang mortal ay magiging mapanganib ito para sa kaniya.

Kahit sabihing mas malakas ako dahil vampire slave ako at may master ako na nagbibigay sa 'kin ng pangangailangan ko ay hindi ko pa rin alam kung gano na kahayok ang nga kalaban ko sa dugo.

Mas matindi ang mga bampirang hindi na makontrol ang gutom nila at nakakapagtaka lang dahil gumagalaw sila na parang isang grupo at may plano. Paniguradong sila ang mga bampirang natira mula sa digmaan at ngayon ay hirap nahirap na para mabuhay sa patay na emperyo na 'to.

"Anong gagawin na 'tin? Maabutan ba nila tayo?" Tanong niya at ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng mga palad niya sa kaba.

"Hindi, wag ka matakot makakabalik ka sa kastilyo pangako," sagot ko at pinilit tumakbo nang mabilis sa kaya kong takbuhin ngunit na gulat na lang ako nang maamoy ko ang sariwang dugo ni Cana.

"Vi-viggo?" Narinig kong boses niya at nang lingunin ko siya ay may nakita akong umaagos na dugo sa kaniyang noo.

Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko mababaliw ako.

"Cana!!!" Hiyaw ko at tigil sa pagtakbo sabay buhat sa kaniya sa bisig ko.

Nakita ko ang maraming dugo sa ulo niya pero nagagawa niya pa namang imulat ang mga mata niya.

"May tumamang bato sa ulo ko," sagot niya at mukhang kagagawan nila ito.

"Wag ka mag-alala gagamutin kita," saad ko at akmang yuyuko para maghilumin ang sugat niya pero biglang may tumamang pana sa braso ko, sinundan ng dalawa, apat at pinaulanan na nila kami ng mga palaso.

Mabilis ko siyang niyakap para masangga ang mga iyon ngunit hindi ko na gawang protektahan ang babaeng iniingatan ko.

"Argh!" Narinig ko ang pag-impit niya matapos tumama ang dalawang palaso sa binti at braso niya.

"Cana!" Hiyaw ko at mabilis na tumingin sa paligid para mahuli kung sino man ang gumagawa ninto sa 'ming dalawa.

"Lakas din ng loob mong bumalik dito ano?" Rinig kong salita mula sa madilim na sulok nang kakahuyan at nakita ko na isa-isang naglalabasan ang mga pulang mata mula sa dilim.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now