"Hindi na, maghahanda na lang ako para sa trabaho,"sagot ko at agad siyang umiling.

"Kahit na maayos ka na ay kailangan mo pa rin magpahinga, kakauwi lang natin sa border at dapat maipahinga mo ang katawan mo dahil malapit na ang hunting festival," paliwanag niya at binuksan ang bintana saka inayos ang mga kurtina sa loob.

"Saglit lang kukuha lang ako ng maiinum mo," muli niyang sabi at mabilis na umalis sa tabi ko at wala pang limang minuto ay agad na siyang nakabalik sa tabi ko.

Napatingin ako kay Viggo, pansin ko na simula nang mangyari ang bagay na 'yun ay halos bantayan niya na ko ng sobra at talagang hindi hinahayaan na mawalay sa paningin niya kahit saglit lang.

Halata rin ang pag-aalala sa mukha niya parati na akala mo naman ay mawawala ako sa harap niya bigla, na para bang takot na takot na hindi ako makita.

"Viggo nagpapahinga ka ba?" tanong ko sa kaniya dahil halata na hindi niya maipirme ang sarili niya.

"Oo naman, wag mo kong intindihin, intindihin mo ang pagpapagaling mo," saad niya at tumayo naman ako para lapitan siya at kusa ko na lang siyang niyakap na kinagulat niya.

"Patawad kung pinag-alala kita, hindi na ko aalis sa tabi mo kaya wag ka na matakot pa," saad ko sa kaniya at naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap.

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa pangakong 'yan Cana, dahil alam kong hindi ka nararapat sa panahon na 'to," sagot niya na kumurot sa puso ko. Pinaghahandaan niya na ba ang pag-alis ko kung sakaling mahanap ko ang sulusyon dito?

Tinggap niya na ba sa sarili niya na iiwan ko siya balang araw at muli siyang makukulong sa ibang kontrata at magiging alipin?

"Viggo, hindi pa naman natin alam ang mangyayari," saad ko sa kaniya ay hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinignan nang seryoso.

"Alam ko, nais ko lang ihanda ang sarili ko at wag ka mag-alala, kahit anong mangyari o ano mang panahon ka mapunta ay hahanapin kita," sagot niya sa 'kin na lalong nagbigay ng lakas ng loob sa 'kin na kahit anong mangyari ay makakaya ko ang lahat dahil alam kong nasa tabi ko siya.

"Viggo, mahal na ata kita," bulong ko sa kaniya at nanlaki ang mata niya at lalong humigpit ang kapit sa dalawang balikat ko.

"Ha? Ulitin mo nga 'yung sinabi mo!" utos niya at pakiramdam ko na mumula na ang buong mukha ko kaya umiwas na ko sa kaniya ng tingin at hindi na kaya pang banggitin ulit ang sinabi ko kanina.

Bakit kasi pinapaulit niya pa eh, alam ko naman na narinig niya na.

"Cana, ano ulit 'yung sinabi mo?" tanong niya at kinalog-kalog ako.

"Hoy aray naman," reklamo ko at agad niya naman binitawan ang pagkakahawak sa 'kin at humingi ng pasensya.

"Pasensya ka na, ang bilis lang kasi nang pintig ng puso ko, pakiramdam ko ako 'tong nanaginip," sabi niya at ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

'Yung hindi siya nahihiya sa sinasabi niya o hindi niya tinatanggi ang mga ito, lumilipas ang mga araw na lalo siyang nagiging prangka at totoo sa nararamdaman niya kaya naman ako tuloy itong nahihiya samantalang hindi ko naman ugali ang ganito.

"Kung tama ang narinig ko ay wala na 'yung bawian ah," sabi niya at medyo na tawa ako.

"Hindi mo nga ganong narinig ang sinabi ko eh, tapos sasabihin mo agad walang bawian?" tanong ko at tinaasan niya ko ng kilay sabay hawak sa baba ko at tumingin sa mga mata ko. 

"Ano ba kasi iyong sinabi mo?" muli niyang tanong at napalunok ako habang nakatingin sa maganda niyang labi na ilang dangkal lang ang layo sa 'kin.

"Ahh, a-ano," nauutal kong sabi at unang umiwas nang tingin sa aming dalawa kaya agad niyang inilihis bahagya ang aking mukha para muli akong makatingin sa mga mata niyang kulay ginto at napalunok naman talaga ako sa kaba.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now