Kahit hirap na hirap ako ay pinilit kong tumayo at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila dahil hindi ko kayang malayo sa 'kin si Cana, hindi ko kayang sayangin ang oras na hindi siya kasama.

Kaya naman agad akong humabol kay Achlys at nakakapagtaka dahil unti-unti nanunubalik ang lakas ko at pakiramdam ko ay na dagdagan pa nga ito dahil uminum ako ng dugo ng isang dragon.

Mabilis ko silang na habol at agad niyang tinago ang kaniyang pakpak at ang kapangyarihan niya saka kami muling pumasok sa bayan at pumunta sa pinakamalapit na pagamutan sa Majiro.

Agad naman kaming pinaunlakan ng mga tao roon at agad na ginamot si Cana, pinasok siya sa isang silid at pinag-intay kaming dalawa sa labas habang isinasagawa nila ang isang mahika na panggamot sa kaniya.

"Galing kayo sa Moonvault?" tanong ng isang babaeng nakadamit na puti at may hawak na listahan sa kaniyang kamay.

"Na ambangan kami," saad ko at tumango naman siya na para bang normal ang pangyayari na iyon sa Moonvault saka sinuri ang itsura ni Achlys habang ako naman ay kabadong-kabado sa kalagayan ni Cana.

"Magiging ayos ba siya? Kaya niyo naman siyang pagalingin 'di ba?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya maalis ang tingin kay Achlys.

"Kayang-kaya nila dahil hindi naman sila simpleng manggagamot, mahika ang gagamitin nila hindi ba?" seryosong tanong ni Achlys sa babae at nakita ko ang pagputla ng mukha niya.

Nagtataka siguro siya pano na laman ni Achlys ang sikreto nila tungkol sa pagiging witch at wizard ng karamihan ng tao sa bayan.

"Kanina bago kayo dumating dito ay may naramdaman kaming kakaibang lakas ng kapangyarihan, na parang galing sa isang dragon hindi sa bampira," saad naman ng babae at napayukom ang kamao ko, hindi ito ang oras para pag-usapan ang mga pagkatao nila.

"Pwede ba, nais kong malaman kung ayos lang ba ang babaeng dinala namin dito," hiyaw ko sa kaniya dahilan para mapatingin ang ibang tao na nasa loob ng bahay pagamutan.

"Gagawin namin ang lahat para magamot siya," sagot niya at tumalikod na sa harap namin at lumapit sa isa nitong kasama at pumasok sa loob ng silid kung saan nila dinala si Cana.

"Wag ka mag-alala, kahit malaman nila kung ano ako ay gagamutin nila ang kauri nila at sigurado na makaksama mo pa si Kiera," sagot naman ni Achlys at yumuko na lang ako habang hawak-hawak ang mga kamay ko at tahimik na iniintay ang pagbalik ni Cana.

Bawat minuto na wala siya sa tabi ko, na hindi ko na ririnig ang boses niya ay sobrang nakakatakot, mas nakakatakot pa 'to sa sarili kong kamatayan at akala ko talaga ay wala nang pag-asa pa.

Mga ilang oras din kaming nakaupo sa labas ng silid at iniintay na may kumausap samin at sabihin ang kalagayan niya hanggang sa lumabas na ang apat na tao sa loob ng silid at lumapit sa 'min ang isang lalaki.

"Nasa maayos na kalagayan na po ang binibini, sa ngayon ay wala pa siyang malay dulot ng kawalan nang maraming dugo pero karamihan ng kaniyang mga sugat ay napaghilum na namin," sagot niya at nakahinga naman ako nang ayos sabay tayo at pasok sa loob ng silid.

Nakita ko siya roon na mahimbing na natutulog, maputla at para bang wala nang dugo na natitira pa sa kaniyang katawan.

"Siguro ay mga dalawang araw pa siya bago magising, kailangan pa namin siya tignan araw-araw bago namin siya payagan na lumabas sa bahay pagamutan," rinig kong sabi ng isang lalaki na nasa pintuan at tumango naman ako sa kaniya.

"Ikaw ba ang vampire slave niya?" tanong niya at hindi na ko tumanggi pa at tumango sa kaniya tutal alam ko rin naman ang sikreto niya.

"Kailangan ko ng dugo mo," saad niya at hindi na ko nagtanong pa at tumango na lang sa kaniya habang hindi ko inaalis ang mga titig ko sa mukha ni Cana na mahimbing na natutulog sa aking harapan.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now