Chapter 22 (Back)

Start from the beginning
                                    

Gusto ko sanang kamutin ang batok ko ngunit hindi 'yon ang tamang oras para gawin 'yon. Napangiwi ako sa naisip at saka iwinaglit 'yon sa isipan ko.

"A-Ako pa rin naman di'ba, Kuyang Holdaper? Ako pa rin naman ang mahal niya di'ba?" mahinang bulong niya, nag-aalanganin sa magiging sagot ko.

Hindi ako nagsalita. Wala akong makapkap na sasabihin. Parang sandaling naging blangko ang utak ko dahil sa tanong niya.

'I don't know, Rain... Hindi ko alam... Pasensya na... I don't want to give you false hope...'

Nanatili lang siyang nakasandal sa'kin habang ako ay hinihimas himas ang braso niya upang pagaanin ang loob niya. Ayokong sumagot dahil natatakot akong mali ang masabi ko at umasa siya sa wala.

'It is better to be hurt by the truth than to be blind by the lies.'

***

Zahara Rain's P.O.V
Mas lalo kaming naging abala dahil malapit na ang pagbabalik namin. Halos wala na kaming oras upang makapag-usap dahil abala kami sa kaniya kaniyang ginagawa.

Ang tulog ng isa ay ang gising ng isa. Ang kain ng isa ay ang tulog ng isa. Ang gising ng isa ay ang tulog ng isa. Ang alis ng isa ay ang siyang uwi ng isa. Halos hindi magkatagpo ang oras namin dahil parehas kaming sobrang abala. Para kaming nasa magkakahiwalay na bansa dahil minsan lang talaga kami magkita kahit nasa iisang bubong lang naman kaming pansamantalang nanunuluyan.

Agad akong napatayo mula sa aking swivel chair ng marinig ang sabay na iyak ng kambal. Agad kong binuhat si Kenelm at pinainom ng gatas. Nang kumalma na siya at nakatulog ay inilagay ko na siya sa kaniyang crib. Sunod ko namang inasikaso ay si Zianara. Napangiwi ako ng maamoy ang kaniyang pupu. Agad kong inipon ang hangin sa loob ng bibig ko habang pinapalitan ang diaper niya upang hindi maamoy ang mabahong amoy nito.

Nilinisan ko na silang dalawa at pinalitan ng damit. Muli ko silang inilagay crib ng makatulog pagkatapos kong i-hele.

Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot 'yon saka napatingin sa tambak na papeles sa lamesa ko saka napatingin sa orasan. Alas kwatro na pala ng umaga at hindi pa ako nakakakain ng hapunan. Iwinaglit ko nalang ang kirot ng ulo ko saka muling bumalik sa swivel chair ko at muling nagbasa ng mga papeles.

Nabawasan ang kita sa kada segundo ng Kingston company dahil ilan na halos ang napabagsak ng mga Weston. Pinigilan ko ang sariling malukot ang hawak kong bond paper sa inis.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at paglalaptop upang tignan ang mga ipinagbago ng Kingston company mula sa mga hallways, designs, kita, staffs at kung ano ano pa. Hindi imposibleng hindi makapasok sa company ang mga Weston at kung nakapasok nga sila rito ay tiyak kong may ginawa sila at malalaman ko lang 'yon sa oras na makatapak na ako sa loob ng kumpanya upang mag-obserba.

Isang araw ulit ang lumipas na gatas at prutas lang ang halos na kinakain ko. Wala na akong oras para kumain ng marami lalo na at bukas na ang araw kung kailan babalik na kami sa 'normal' naming buhay. Kailangan kong aralin ng aralin ang bawat detalye ng Kingston company kung ayaw kong muli nila akong maisahan.

Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko ng tumayo ako ng marinig ang iyak ng mga anak namin. Napahugot ako ng hininga para kumuha ng lakas saka sila pinuntahan at pinainom ng gatas saka pinalitan ng diaper at binihisan. Nang matapos na ay naghugas ako ng kamay at nagsabon saka lumabas ng kwarto para magtimpla ng kape dahil unti unti na akong inaantok.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now