Chapter 3 (Unknown Assasin)

412 25 2
                                    

Chapter 3
Unknown Assasin

Zahara Rain's P.O.V
Napahinga ako ng malalim at saka humarap kay Kuyang Holdaper. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya ng makita niya ang mga luha ko sa pisngi. Agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin kaya agad niya akong inakbayan at humarap sa kanila.

"Hindi pa nga pala kami kumain ng lunch. Kain muna kami. Nagugutom na kasi itong baby girl ko eh." palusot ni Kuyang Holdaper saka ako hinatak palabas ng pinto. Napahinga naman ako ng malalim habang naglalakad kami papasok sa elevator.

Nang makapasok na kami sa elevator ay doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Agad kong niyakap si Kuyang Holdaper at doon naman ako umiyak.

"Sana pala nagsama ako ng isa. Tuwing lagi tayong magkasama na tayong dalawa lang, lagi ka nalang umiiyak. Nagdadalawang isip tuloy ako kung tama bang bumalik ako. Pakiramdam ko kasi ay ako ang dahilan ng pag-iyak ng taong mahal ko." biro niya at napangiti naman ako habang umiiyak.

"Thank you... Thank you for being there when I need you the most... Thank you, Kuyang Holdaper." sinserong bulong ko at huminga ng malalim dahil nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko.

"I love you and I will always love you, Rain. Mamahalin kita ng mamahalin hanggang sa maubos ako." sabi niya at mas niyakap ako ng mahigpit.

Nang malapit ng bumukas ang elevator ay nagpunas na ako ng mga luha at humiwalay sa kaniya. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

"For me, you will always be the bravest girl that I know. Kaya mahal kita eh." sabi niya at tumawa.

"For me, you will always be one of the best bestfriend that I have! I love you too, Kuyang Holdaper." nakangiting sabi ko. Napansin ko namang napahinga siya ng malalim at muling ngumiti.

Bumukas ang elevator kaya lumabas na kami. Inakbayan niya ako at pumasok kami sa isang restaurant.

"Good evening, ma'am, sir. Table for how many po?" nakangiting bati ng waiter.

"For many people? Our friends will coming this way too. Maybe after a minute or an hour." nakangiting sabi ni Kuyang Holdaper.

"This way, ma'am and sir." nakangiting sabi ng waiter at inalalayan kami papunta sa table na maramihan.

Umupo naman kami ro'n at binigay na sa amin ang menu. Sinabi namin ang mga order namin pagkatapos ay umalis na siya.

"Mukhang marami akong dapat malaman." sabi ni Kuyang Holdaper.

"Kasal na kami ni Allistair." sabi ko na naging dahilan ng pagkasamid niya dahil umiinom siya ng tubig. Natawa naman ako habang tinatapik ang likod niya dahil nagpatuloy siya sa pag-ubo.

"Huli na ba ako?" gulat na tanong niya matapos maka-recover sa pagkasamid.

Nagsalubong naman ang kilay ko ng hindi ko makuha kung anong ibig niyang sabihin.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Wala, wala, haha. Tapos?" tanong niya at umayos ng upo.

Nagkwento naman ako kung anong mga nangyari noong wala pa siya. Nanatili naman siyang nakikinig.

"Here's your order, ma'am and sir. Enjoy your meal." sabi ng waiter at sinerve na ang mga pagkain sa lamesa. Napatigil naman ako sa pagkukwento at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harap namin.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Kuyang Holdaper at hindi ko naman siya pinansin. Pagkaalis ng waiter ay agad kong kinuha ang tinidor at kutsilyo saka nagsimulang kumain.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now