Chapter 23- Truth untold

Start from the beginning
                                    

"Hanggang sa ang organisasyong binuo nilang tatlo para sana maituwid ang landas ng Mafia ay unti-unting nawatak. Tuluyang nasira ang kanilang pagkakaibigan nang maging sakim si Phoenix. Ang dating para sa kabutihan na hangarin nito ay nagbago, hanggang sa magtayo siya ng isang sindikato na kung saan dumudukot sila ng mga bata upang pahirapan, o di kaya naman ay ibenta."

He then looked at me, making sure I am listening to each and every word.

Villain knew about Phoenix? Kaya ba kahit ganoon na lamang ang kagustuhan niya na patumbahin ang Red Eagle ay hindi niya magawa ng ganoon kadali? Dahil related sila sa isa't-isa?

"Ikaanim na kaarawan ko noon, ang pinakamasamang araw sa buhay ko dahil wala si Mommy. Sinamantala niya ang pag-iisa ni Phoenix at unti-unting binihag. Ngunit dumating ka.."

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"



DARKO'S POINT OF VIEW

Flashback...

"Maligayang kaarawan, Prinsipe Darko!"

Napangiti ako nang salubungin ni Rosa, Roselle at Riza nang maligayang bati ang aking umaga.

"Salamat sa inyo."

Namula ako nang guluhin ni Roselle ang aking buhok. Ang tatlong magkakakambal na babaeng ito ay aking personal na tagapagsilbi. At hindi lingid sa aking kaalaman ang pagkakaroon ng paghanga ni Roselle sa akin.

"Hoy Roselle! Child abuse ka talaga! Mag be-bente ka na sa katapusan ng Agosto samantalang ikaanim pa lamang ni Darko ngayong araw!" natatawang usal ng kaniyang kakambal na si Rosa.

"Hindi ko naman siya pakakasalan! At sa aking pagkakaalam ay wala namang atas na ipinagbabawal na humanga sa isang gwapong prinsepe!" giit ni Roselle tsaka pinisil ang aking pisngi.

"Where's Mom?" nasasabik na usal ko.

"Is she downstairs? Preparing cakes? Balloons? Gifts? Are we going out? Or celebrate my birthday inside the mansion?" sunod-sunod ko'ng tanong.

Ngunit nangunot ang aking noon a tanging pagyuko lamang ang isinukli sa akin ng tatlo.

"S-She's here right? T-Tell me she's h-here." Tuluyan nang naglaho ang ngiti ko. At ang aking pagkasabik ay unti-unting napalitan ng kalungkutan nang sabay-sabay silang umiling.

"P-Pero wag kang mag-alala Prinsepe Darko! Naghanda kami ng isang maliit na salu-salo! Sinigurado namin na maihahain sa tanghalian ang lahat ng iyong mga paborito! Halika't maglibot sa mansiyon!" anyaya ni Riza, sinusubukan ako'ng pasiglahin.

"Hindi po ako kakain mamaya. Kayo na lang po muna ang mamasyal," sagot ko habang nakayuko.

"But it's your birthday," sagot naman ni Rosa.

"Pero wala naman po si Mom."

Kami na nga lang dalawa ang naiwang magkasama, wala pa siya sa tabi ko.

"Nandito naman kami-

-Gusto ko po'ng mapag-isa. Pwede po ba'ng umalis muna kayo?" magalang na tanong ko.

"Prinsipe Darko," mahinang saad ni Roselle sa aking pangalan.

"Kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako," she said before finally went out of the room.


..

"Darko, hijo."

Keeping The Last Bullet (Under Major Editing) Where stories live. Discover now