Chapter 12- Suitor?

33 6 14
                                    

KEEPING THE LAST BULLET

CHAPTER 12


THIRD PERSON'S POINT OF VIEW 

"Whooo! Sige! Ibagsak mo 'yan!"

"Yonnn!!"

"Tumba!"

Nahihilo man ay pinilit imulat ng batang si Amethyst ang kanyang mga mata nang makarinig ng malalakas na sigawan. Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maramdamang nakatli ang kapwa kamay at paa niya.

"Silence! The heir of hell is finally wake!"

Kasabay niyong ay ang malakas na pagkalampag ng malaking gong na hinahampas ng isang malaking lalaki gamit ang hawak na baseball bat. Malakas na sigawan 'rin an iginawad ng mga taong nakapalibot sa buong arena. Mayroong sumisipol, humihiyaw, humahalakhak ng parang isang baliw.

He looked around and there saw his father beside the witch. Sitting in a high place but still inside the arena. Nakahelera ito sa gitna na animo'y sila ang hari at reyna sa lugar.

Binalot siya ng takot. Ang mga matang kinikilatis ang kanyang kabuuan ay nakakapaso.. Tila parang gusto siyang lusawin ng kanilang mga titig.

She stopped from thinking when the big guy went to her place and unchained her. Minasahe nito ang dalawang kamay tsaka umatras papalayo. Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari at kung papaano siya napunta rito.

Kuya..

"Ilabas ang mga bihag!"

A big cage got out from somewhere. Napatingala ang batang si Amethyst kung saan naroroon ibinababa ang malaking kulungan. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang kanyang Kuya at ang kanyang kaibigan na si Donis.

"K-Kuya! Palabasin niyo sila! D-Donis!" Mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng kapatid ngunit hinarang siya ng malaking lalaki tsaka binuhat na parang isang sako ng bigas.

"Put me down!"

Pinagsusuntok niya ang lalaki at pilit na kumawala. But she wasn't able to free herself from the big guy. Muli nitong itinali ang dalawa niyang paa tsaka siya nilisan.

Pinanood niya ang ginawang pag-alis ng lalaki tsaka tinungo ang direksiyon ng kanyang ama kasama ang bruha. Bumulong ito na ikinatango ni Phoenix.

Isang malakas na sipol ang umalingawngaw sa buong arena, ito ri'y ikinatahimik ng mga manonood na kanina'y nagsisigawan.

She was so clueless when group of big men surrounded the cage where her brother and Donis is.

Her eyes widened in shock when those group of men started to hit the cage. SInusubukn itong sirain. They were laughing just like they're doing it just for fun at nakadagdag iyon sa kaba ni Amethyst.

She started pulling the rope and untying it in a different way. Napapapikit na lamang ito sa sakit kada hinihila niya ang tali dahil mahigpit ang pagkakbuhol nito sa naiipit niyang balat.

She looked again at her brother and there saw them slowly opening their eyes. Katulad ng naging reaksiyon niya kanina ay nanlaki ang mga mata ito tsaka napaatras sa takot.

Sa kabilang banda, kaunti na lamang ay maaalis nan i Amethyst ang tali sa dalawa niyang paa. Luminga ito sa paligid at nakakita ng matulis na bato, humiga ito tsaka pilit inabot ang bato gamit ang kanyang kamay, at nang makuha iyon ay mabilis niyang ikiniskis ang bato sa tali upang maputol ito.

Keeping The Last Bullet (Under Major Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon