Babalik na sana ulit ako sa pagsusulat ng narinig ko siyang tumikhim kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"Yong nangyari kanina, huwag mo nalang masyadong damdamin. Maaayos din ang lahat." sabi niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.  Gustuhin ko man na pumunta sa bahay nila Clint para maki lamay ay ang sama ng pakiramdam ko kaya hindi pwede. Itetext o tatawagan ko nalang si Janica na baka bukas nalang ako pupunta. Sana nga okay na ako bukas para hindi ako makapag-absent at makapunta ako sa lamay ni Clint.

Habang gumagawa ng assignments ay unti unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ulit ng naramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Napatingala ako at nakita ko si Zeddie na nakangiti.

"Z-zeddie? bakit ka nandito?" tanong ko kaagad at kinusot ang mga mata ko.

"Diba sabi ko babalik ako." sabi niya at hinawakan ang noo ko.

"Mainit ka pa din, gusto mong humiga?" tanong niya at tumango lang ako.

Inalalayan niya ako papunta sa kama ko. Ng makahiga na ako sa kama ay umupo naman siya sa gilid. May kinuha siyang thermometer sa bedside table ko na hindi ko alam kong saan galing. Nilagay niya ito sa kili-kili ko kaya hindi ko maiwasang mailang. Tahimik lang kami habang hinihintay na tumunog ang thermometer. Tumikhim ako at tumingin naman siya sa akin.

"Yong tungkol pala kanina, pasensya kana kong kailangan mo pang masaksihan yon." sabi ko pero ngumiti lang siya.

"Okay lang sanay na ako, hindi naman talaga maiiwasan ang mga ganoong pangyayari." sabi niya at kinuha na ang thermometer sa kili-kili ko.

Napaiwas ulit ako ng tingin. Hindi naman siguro mabaho ang kili-kili ko ano?

May inilagay sjyang cool fever sa noo ko kaya napatitig ako sa kanya. Hindi ko maiwasang malungkot dahil may naalala ako.

Naalala ko si Jaxson.

Noong may lagnat siya at nagreklamo siya dahil nilagyan ko ng cool fever ang noo niya. Kamusta na kaya siya? galit pa din kaya siya sa akin?

Napasandal ako sa headboard ng kama matapos akong lagyan ni Zeddie ng cool fever sa noo.

"Nabalitaan mo na ba?" tanong niya bigla.

Napakunot ang noo ko.

"Ang alin?" nagtataka kong tanong.

"I shouldn't be the one telling you this but you have the right to know." sabi niya at tinignan ko lang siya.

Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Umatras na si Jaxson sa kasal niyo. I just heard it earlier ng pumunta ako sa mansyon nila. Nag away na naman ulit sila ni tita Sab." sabi niya at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

Naguguluhan ako. Gusto kong maging masaya dahil hindi na matutuloy ang kasal namin next year pero may parte sa akin na nanghihinayang.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Napayakap nalang ako sa dalawang tuhod ko.

"Okay ka lang?"

"Ah...oo okay lang ako." sabi ko at pilit na ngumiti.

Napahiga ulit ako sa kama.

"Salamat nga pala." sabi ko at bigla nalang niyang hinaplos ang buhok ko.

Hindi ko alam pero sa tuwing hinahaplos niya ang  buhok ko ay parang may nagwawala sa kaloob-looban ko. Bulate siguro charot!

"Para saan?" tanong niya habang hinahaplos pa din ang buhok ko kaya napapikit ako.

"Dahil nandito ka at ina-alagaan mo ako." sabi ko at napamulat ako ng tumigil siya sa paghaplos sa buhok ko at hinawakan ang kamay ko.

"Solana, can I ask you?" sabi niya at wala akong nagawa kundi ang mapalunok at tumango.

"Oo n-naman, ano ba yon?"

Bigla siyang nag-iwas ng tingin at napakamot sa kilay niya kaya natawa ako ng bahagya. Ang cute niya lang kasi pag ginagawa niya yon.

"Damn, natotorpe na naman ako." sabi niya na mas lalo kong ikinatawa.

"Huwag ka ng mahiya, sabihin mo na." sabi ko at dahan dahan naman siyang lumingon sa akin ulit.

"Uhmm...pwede bang..." napabuntong hininga siya.

"Pwedeng ano?"

"Ako nalang?" napakunot ang noo ko.

Ano bang ibig niyang sabihin na siya nalang?

"Ikaw nalang?" hindi ko maiwasang mapalunok ulit.

"Pwede bang ako nalang...ang pakasalan mo?"

Nagulat ako sa sinabi niya at natulala.

Ano daw??? siya ang pakasalan ko?! inaalok niya ako ng kasal?! myghaddd lupa lamunin mo ako ngayon naaaaa!

"Z-zeddie..." wala akong masabi kundi ang pangalan lang niya.

Speechless ako at hindi ko alam ang sasabihin.

"Okay lang kong wala ka pang sagot sa ngayon, handa akong maghintay. Liligawan kita kahit gaano pa katagal."

Bigla niyang hinalikan ang noo ko na may nakalagay na cool fever. Mas lalo lang akong nagulat at napalunok ng hard ng inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Maghihintay ako, Solana."

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora