Kabanata 39

1.3K 69 25
                                    

Questions

Nang makabawi ako sa sinabi ni Treyton ay agad ko siyang tinulak palayo sa akin. Ang init pa rin ng pisngi ko at hindi ko na nagawang magsalita pa at isinara na lang ang pinto ng aking kotse. I can hear him chuckling outside and it made me want to strangle myself. Am I really malfunctioning just because he used that hideous call sign again?

Take a grip on yourself, Regan!

"What the heck?" bulalas ko nang wala akong mahawakang susi sa ignition ng kotse ko. I just wanted to flee to save the pride I have left but my car keys aren't cooperating! Na saan na ba 'yon?

Napasampal ako sa aking sarili nang may mapagtanto. Nang-init na lang ako ulit dahil sa pagkairita. Treyton, you freaking thief!

Agad naman akong napahawak sa aking upuan nang maramdaman ko ang biglang paggalaw paatras ng aking sasakyan. Akala ko talaga ay lumilindol na pero ang kabang namuo sa dibdib ko ay mabilis ding naglaho nang makita kong tinutulak ni Treyton ang harapan ng kotse ko.

"Anong ginagawa mo?" bulyaw ko sa kanya nang makalabas ulit ako.

"Helping you?" he said sarcastically before licking his lips.

"And what made you think I would accept help from you? Out of all people?"

"May nakikita ka bang ibang tao ngayon maliban sa 'kin? 'Di ba wala? Bihira lang ang mga dumadaan dito kaya huwag ka nang maarte." Pumantig ang tenga ko sa sinagot niya. Ang suplado niya! Hindi ko naman siya pinilit na tulungan ako para pagsalitaan niya ako ng ganito!

"Huwag ka ngang pabibo! Hindi naman talaga kita kailangan!" I shouted and I didn't care if I sounded too childish.

"You have no tools and no spare tire. The nearest vulcanizing shop is at the highway and it's kilometers away from here. Kung pipilitin mong magmaneho papunta roon ay hindi na ako magugulat kung may maririnig akong balita sa radyo mamaya na may kotseng nahulog sa irigasyon."

Naitikom ko pansamantala ang aking bibig. I can't believe that Treyton stole my keys and examined the inside of my car in one go while the only thing I ever did was to get flustered!

"Tanggapin mo na lang na kailangan mo talaga ako," he playfully retorted.

Ipinagpatuloy niya na rin pagkatapos ang pagtulak sa kotse ko pero bago niya ako malampasan ay nagsalita ako. "You're not obligated to help me. Iwan mo na lang ako rito," seryoso kong utos sa kanya. Maaaring biro lang para sa kanya kapag sinasabi niyang kailangan ko siya pero sa akin hindi.

Because every time he says those words, I got reminded me of the times I actually needed him but he wasn't there. Sinanay niya ako sa presensya kaya nahirapan ako noong umalis siya. At ngayong maayos na ako ay susubukan na naman niyang pasukin at lasunin ang aking sistema sa pamamagitan ng pagtulong niya at pagmamagandang-loob.

But poor him because I won't let that happen.

Hindi ko alam kung hindi ba talaga ako narinig ni Treyton o kung nagbibingi-bingihan lang siya dahil tulak-tulak pa rin niya ang aking kotse. Magpo-protesta na sana ako pero umurong ang dila ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Do you really think that I'd leave you again?" I pursed my lips before gulping hard. I knew what he exactly meant by that and it made my heart palpitate.

"And I'm not helping you because I have to. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko."

It took long before I could process his words. Hindi ko alam kung bakit nagiging abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko kaya mahina kong sinuntok ang aking dibdib. Nakita kong medjo malayo na ang distansya sa pagitan naming dalawa kaya tumakbo na ako para makahabol.

Drawn to His FlameWhere stories live. Discover now