Kabanata 17

1.3K 91 28
                                    

Hurting

"Bakit hindi ka pa kumukuha? Do you really want me to put food on your plate too?" Treyton said in a mocking tone. Inirapan ko na lang siya at kahit labag sa loob ko ay sumandok na ako ng kanin. Tinolang isda ang niluto ni Treyton at kung huhusgahan sa amoy nito ay alam na agad na masarap iyon. Other than that, its aroma also reminded of homemade dishes that always taste the best and have something special in them.

Pero habang pinagmamasdan ko ang putahe ay hind pa rin talaga ako makapaniwala na si Treyton ang may gawa no'n.

It's tempting to get the large fish pieces but I decided to settle with the broth. May hiya pa naman akong natitira sa katawan. Kahit hindi ko kasi tinitignan ng diretso sa mata si Treyton ay alam kong binabantayan niya ang mga kilos ko ngayon. And I'm pretty sure he would throw remarks at me again if I eat a lot of the food he cooked.

Pagkatapos kong makakuha ng maraming sabaw ay magsisimula na sana akong kumain nang magsalita na naman ang lalaking nakapuwesto sa upuang nasa harap ko. "Sigurado kang mabubusog ka diyan? Try getting the dish itself, you know. It's free."

I sighed in response. "Don't worry. Kontento na ako rito. Try mo rin kayang tumahimik 'no para makakain ako nang maayos? Wala rin 'yong bayad, promise," sagot ko bago ko siya binigyan ng matamis na ngiti.

Napabuga ako ng hangin nang balewalain ng lalaki ang sinabi ko. "If you can't do it for yourself, then do it for me. Ayaw kong isipin ng mga kapitbahay natin na ginugutom kita."

"As if my neighbors knew that I had roommate. Basta-basta ka lang naman umaalis at bumabalik," I mumbled before I continued eating.

"What were you saying?" tanong niya na hindi ko na lang din pinansin.

Pero habang kumakain ako ay natigilan ako nang lagyan ni Treyton ng mga gulay at isda ang pinggan ko. "Hoy! Respeto naman," reklamo ko pagkatapos kong malunok ang nginunguya kong kanin.

Napabuntong-hininga ang lalaki na ikinunot ng aking noo. "I'd respect you if you stop being childish. I cooked this dish for two and you'd say that you'd only have the broth? Sino ang mabubusog sa sabaw lang? Mag-aaral ka pa pagkatapos at sa tingin mo ba ay sapat na 'yan para makatagal ka hanggang umaga?"

My lips parted. I couldn't understand why he's acting like this.

His initial words hadn't even sunk into me but he still resumed to give me his homily. "Or is this really how you normally eat? Hindi ka ba talaga naaawa sa sarili mo? Why do you neglect to take care of yourself? Ano ang halaga ng mataas na grado kung nahihirapan ka naman at nagdudusa ang katawan mo?"

My brows quirked when he finished. He got a point but it was not totally related to the reason behind my action. I'm curious though. Why is he really overreacting a lot today?

He needs to calm down!

Nang tingnan ko siya ay kinilabutan ako nang kaunti nang makita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa aking hapunan ay sinimulan na lang kainin ang lahat ng nasa plato ko.

I felt bloated when I finished. Parang ngayon lang ako nabusog nang ganito. Tita Janice's dishes are all good but what I had eaten tonight was one of the best. It was really difficult to hide my reaction while eating because every bite was heavenly and oddly satisfying.

I was too focused on my food that I forgot Treyton existed. "Akin na ang pinggan mo. Ako na ang maghuhugas," sabi ko sa kanya pero nagtaka ako nang makita siyang napakurap. After that, I heard him cuss under his breath.

"You can go and review now. I'll take care of the dishes," sabi niya. I sensed that he's avoiding to have eye contact with me which I found weird. Sa huli ay iniwan ko na lang sa lababo ang pinagkainan ko. Habang papunta ako sa study table ko ay napagdesisyunan kong lumingon at nakita kong nagsisimula pa lang kumain si Treyton.

Drawn to His FlameWhere stories live. Discover now