Kabanata 9

1.4K 100 53
                                    

Off Guard

"I know you couldn't say no to me."

Pinaningkitan ko ng mata si Treyton pero iyon din ang dahilan kung bakit mas lalong lumawak ang ngisi niya. Prente siyang napasandal sa kanyang upuan bago niya ako tinignan nang mata sa mata. An amused expression briefly flashed on his face after that. He really seemed to enjoy watching me suffer.

Magsasalita na sana ako pero hindi iyon natuloy dahil sa mga naririnig kong bulungan sa labas ng bakanteng classroom kung saan kami ngayon. Nilunok ko pa talaga ang pride ko kanina noong hatakin ko papunta rito si Treyton para makausap ko siya ng matino pero bakit hanggang ngayon ay may audience pa rin kami?

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Treyton ay nakita kong hindi na siya nakaupo sa silyang nasa harap ko. Instead, I saw him at the side, talking to the students who didn't even try to pretend that they weren't eavesdropping on our conversation.

I didn't know what Treyton told them but those students started leaving afterwards. "Hindi mo ba ako pasasalamatan dahil pinaalis ko sila? You look uncomfortable because of them," pahayag ni Treyton pagkatapos niyang bumalik sa kanyang puwesto. Dahil doon ay hindi ko na talaga napigilan ang pag-ikot ng aking mga mata.

If he knew that I would feel uneasy around many people, why did he create that ruckus earlier? Gusto ba talaga niya akong i-pressure na tanggapin ang alok niya?

He's no doubt a hypocrite if that's the case.

"Why would I thank the person who's blackmailing me?" tanging tugon ko.

"Who's blackmailing who?" Kumunot pa pagkatapos ang noo ni Treyton na para bang wala siyang kaide-ideya sa kung ano ang sinabi ko. Pero kalaunan ay nakita ko rin ang pagkurba paitaas ng kanyang labi.

"Oh, the screenshots I sent you was indeed a good back-up plan, am I right?" he playfully asked before chuckling. I really regretted not blocking him after he blocked me. Now I have to pay severely for the consequences of my foolish actions.

"But I'm quite disappointed. Akala ko bukal sa loob mong tatanggapin ang alok ko. Because who would ever refuse to serve a Treyton Franco?"

Sumakit na lang bigla ang ulo ko dahil sa kayabangan ng lalaking 'to. "Baliw lang yata ang papayag sa gusto ng gagong katulad mo."

Treyton angrily stared at me which made me slightly tremble in fear. "Be careful with your words, Cordova. Baka nakakalimutan mong hawak kita sa leeg ngayon." I swallowed the huge lump that suddenly appeared inside my throat. I would never get used to the way Treyton can change his mood in just a blink of an eye.

Pero unti-unting umamo ang mukha niya na labis kong ipinagtaka. "But you have a point though." Nagsalubong na lang ang dalawang kilay ko pagkatapos.

"Totoo ngang baliw lang ang papayag sa gusto ko. You proved it yourself. You accepted the deal because you're still crazy over me."

I pursed my lips tight because of the feeling that's starting to overwhelm me from within. Unti-unti na akong napakapit sa mesa na nasa tabi ko pero sa huli ay bumigay na rin ako at humagalpak na sa kakatawa. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang habol-habol ang aking hininga. This was one of the longest laughs I had these days.

"What are you doing?" komento naman ni Treyton na sobrang sama na ang tingin sa akin.

I was still gasping for air but I managed to answer him. "I'm sorry. I didn't know you were this funny," sagot ko. Nang makita kong umigting ang panga niya ay alam kong nagtagumpay ako.

You underestimated me, Treyton. Your charms won't work on me anymore.

"Try harder next time," bulong ko sa hangin na mukhang narinig pa rin ng lalaki dahil napatingin siya sa akin ng may nanlilisik na mga mata. Pero hindi ko hinayaan siyang makapagsalita pa at inabot na sa kanya ang papel na kanina ko pa tinatago sa aking likuran.

Drawn to His FlameWhere stories live. Discover now