I'm sorry, heart, but I have already decided.

"I won't, Yngrid." I said.

Umalma ang mga kaibigan ko pero hindi ko na kayang makitang mas nasasaktan pa ang kaibigan ko.

"Curns, what the fuck?" rinig ko ang pagtutol ni Cian sa likuran namin.

"I'm sorry, but before I told you about this, I have already made up my mind. At sa nalaman ko ngayon ay mas nagkaroon ako ng dahilan para...piliin ulit si Conrad at...kalimutan si Ryan." Mahinang sambit ko bago nag iwas ng tingin sa kanila.

"You are depriving yourself of your own happiness!"

"Kung pipiliin ko ang sarili ko, Leesha, paano naman yung mga masasaktan ko? Paano si Yngrid? Si Conrad? Hindi ko kayang saktan sila."

"Pero paano ka?" si Leesh.

Hindi ako sumagot. How about me? How about my heart that I keep on ignoring?

"I hope you won't regret anything in the future. You're both selfish!"

"Selfish ka, Yngrid, dahil pinipilit mo ang sarili mo sa tao, selfish ka dahil pinagkakaitan mo ng pagkakataon si Curns. At selfish ka rin, Curns, dahil pinagkakaitan mo ang sarili mo!"

"I will learn to love him again, don't worry."

"I hope so..." Leesh sarcastically said.

Hindi ko na alam kung paano namin inayos ang sarili at sabay sabay na bumaba na parang walang nangyari.

I can still feel the tension between us. I hate the thought that our friendship was now bruised. Hindi man nila sabihin pero alam kong magulo na kami ngayon.

Nang makababa ay agad kong natanaw si Ryan. Still sitting on his bike like how I left him.

Ramdam ko ang pagbaling ng tingin ng mga kaibigan ko sa akin. Hindi ako tumingin sa kanila.

It was already seven in the morning. He's been waiting here for almost three hours. Nagawi ang tingin ni Greg sa amin, agad kong nasalubong ang mga mata niyang sobrang gandang titigan.

He smiled at me, but I did not smile back. I kept my straight face.

"Curns..." si Yngrid.

Alam ko, Yngrid. Alam ko at hindi ko babaliin sng sinabi ko. Hindi na ulit.

They stopped but I keep on walking, papalapit kay Ryan. Kay Ryan na nakangiti na, kay Ryan na naghihintay sa akin, kay Ryan na mahal na mahal ko, at kay Ryan na sasaktan ko.

"Curns, wait..." akmang susundan ako ni Yngrid para pigilan ay narinig ko ang pagpigil sa kanya ni Krsitine. "Ano ba, bakit mo ako pinipigilan?"

"Let her, Yngrid. Pagkatiwalaan mo naman si Curns kahit kaunti lang."

"But—" hindi ko na narinig pa sila.

My visions were getting blurry as I keep on walking. Pinipiga ang puso ko sa pinakamasakig na paraan.

It is bleeding and shattered into pieces.

Why can't I make you mine?

"Tapos na kayo?" He said. Hindi na nakangiti, bakas ang pag aalala sa kanya.

"Akala ko ba, hindi mo na ako lalapitan ngayon?" I said. "Akala ko ba, tapos na yung ano mang sa atin?"

Each time I said those words, I was hurting. Damn, I don't even want to say those words.

Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa akin. Kaya naman ay nagsalita na ulit ako.

"Bakit ka nandoon sa harap ng bahay namin? Nag usap na tayo na titigilan na natin ang kung ano mang namagitan sa atin, hindi ba?. Ginagawa ko ang gusto mo noon 'diba? Kaya bakit ka nandoon?" tanong ko sa kanya.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now