Susubukan kong ibaling kay ang pagmamahal ko, baka kasi kapag ginawa ko, babalik ulit ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong subukang mahalin ulit Conrad. Baka nga, kapag naging kami at muling bumalik ang nararamdamn ko ay magiging masaya rin ako. At baka nga kahit si Yngrid at Ryan ay matutunan ring mahalin ang isa't isa.

At sa ganitong paraan, hindi sila mawawala sa akin—si Conrad at Yngrid.

"Make him your boyfriend, then."

"I will..." I gulped at pilit nilunok ang hanging bumabara sa aking lalamunan.

Heto na naman ang puso kong hindi maintindihan ang mga desisiyon ko at palaging sinasalungat ito. Gustong kumawala at magrebelde sa akin dahil sa mga desisyon kong hindi nito gusto.

"Curns, you are making things worse! Sa ginagawa mo ay mas lalo kang maraming masasaktan!" agad na tumutol si Leesha sa desisyon ko.

I heard Nikhaule cleared her throat.

"I think, my twin is right, Curns." she agreed.

"You can't solve a problem with another problem, Curns." this time si Cian na ang nagsalita.

"You can't deal with pain with another pain. Hindi ganoon." si Mei.

"I understand that you don't want to lose anyone, Curns, but don't make decisions this instant. Don't make decisions just because you're in a situation that asks you to decide immediately." she added.

Tama siya pero tama na, I am doing this because it's the best thing to do.

Humarap naman siya kay Yngrid.

"And you, Yngrid. Huwag mong gamitin ang sitwasiyon para lang mapaburan ang pagmamahal na gusto mo. If a man really loves you, then you should not be doubting it. Hindi ka na dapat mangamba kung malaman mong may nagmamahal rin sa lalaking mahal mo. If he really is in love with you, then his love should make you feel that you're the only one." si Mei habang nakatingin sa aming pareho.

"Hindi mo dapat ginigipit si Curns lalo na at kaibigan mo siya. And if the man you love doesn't love you, huwag mo nang ipilit pa ang sarili mo. Alam nating lahat kung ano ang totoo, Yngrid." nag iwas ng tingin si Yngrid.

"Is that what you really want? To be love by a man whom you selfishly deprived of the woman he really loves. He will only love you because you're the one who's there for him, not because he loves you too. Mamahalin ka lang dahil ikaw ang nandiyan, pipiliin ka lang dahil ikaw ang nandiyan, hindi dahil ikaw ang gusto niyang piliin." we are all listening to Mei.

"And if you still don't get it, here is what I mean. You are the 'choice' from the 'no other choice'." she said. "Wala siyang pagpipilian, kaya ikaw na lang."

Dumaan ang sakit sa mga mata ni Yngrid sa narinig pero agad napalitan yun ng umaatikabong galit.

"Ayan! Lumabas rin ang totoo! Pagkakampihan niyo ako! You are damn siding her! Paano naman ako? I love him, Curns..." ramdam ko ang sakit sa bawat luhang pumapatak sa mata ni Yngrid.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Paano ko magaagawang dagdagan ang sakit na nararamdaman ng kaibigan kong ito?

"Nagmamakaawa ako, si Conrad na lang ulit. Siya lang ang minahal ko nang ganito, at hindi ko alam kung makakaya ko bang ibigay siya sayo. Please, si Conrad na lang ang mahalin mo, huwag nang si Ryan." she pleaded while sobbing.

Hindi ko na rin kayang pigilan ang pagpatak ng aking luha. Para akong nasasaktan sa narinig. She's in love with him, ganito kalalim. At hindi ko kayang alisin ang kasiyahan niya dahil lang iyon rin ang ikasasaya ko.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now