They are all laughing at their cousin. Tuwang tuwa sila sa mga naririnig nila.

"Damn, so smitten, eh?" rinig ko pang komento ng isa sa kanila.

"Oh my God!" napahilot sa sentido si Novella "Are you insane, Ryan Emmanuel?" S\she added.

"Alam mo naman palang ginagamit ka pero hinayaan mo lang? Where's your damn brain? Naianod na ba sa dagat kanina? O baka matagal mo nang tinapon kaya ganito ka na lang kabobo ngayon." ani Nympha.

"Call me whatever you want. I don't give a fuck!" maikling sagot niya lang saka saglit na hinawakan ang kamay ko at maglalakad na sana palayo. Nagpatianod ako.

Naka isang hakbang palang kami ay sumigaw na ulit si Nympha

"Ang bobo mo, Emmanuel! Can't you see? Ginagamit ka lang niya! Hindi ka niya mahal!" napatigil si Greg sa sinabing iyon ni Nympha. I felt his gripped tightened.

"Ryan..." marahang tawag ko. Lumingon siya kay Nympha.

"Iiwanan ka rin niya kapag natapos siya sayo! Kapag nagsawa siya sa'yo!" si Novella naman ang nagsalita.

I heard Ryan sighed.

"I let her to use me. Happy now?"

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nympha at Novella hinila na niya ako paalis. Rinig ko ang pagsigaw ng mga pinsan niya habang naglalakad.

"Tang ina mo, Ryan!"

"Ang bobo mo!"

Para akong sinasaksak sa narinig. He believed that I am using him. Tahimik kaming naglalakad hanggang sa makapasok sa resort.

"Hindi kita ginagamit..." marahang sabi ko.

"Alam ko." sagot niya lang.

Napalunok ako. Kung ganoon bakit niya sinabi yon? Ngayon talagang maniniwala silang ginamit ko nga siya.

"At kung gagamitin mo man ako...hahayaan naman kita."

Hindi ako umimik. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"I don't have plans to use you!" pagtatanggol ko sa sarili.

"Yes, I know. I'm sorry..." sagot niya. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto naming mga babae.

"Pack your things, we'll go now." Sabi niya.

Nagtaka akong lumingon sa kanya. Bakit kami aalis? Hindi ba bukas mamayang hapon pa ang alis namin?

"Bakit, nagmamadali ka? Mamaya pa ang alis natin diba?" I asked, still confused with his sudden decision.

Tumango siya saka ngumiti.

"Trust me." ang tanging sabi niya.

Tumitig lang ako at hindi sumunod.

Nang mapansing hindi ako gumagalaw at parang walang balak gawin ang gusto niya ay siya na mismo ang kumuha ng mga damit ko sa cabinet.

"Ako na..." agaw ko sa gamit dahil nahihiya akong baka makita niya ang mga panloob ko.

Talaga bang aalis kami? Saan naman kami pupunta? Uuwi na ba kami? Iiwan namin ang mga pinsan niya?

"Don't mind them, they're just like that...overprotective..." he suddenly said.

I saw him sitting on the edge of the king size bed. Tatlo lang kami dito sa room na to, ang mga magkasintahan ay nasama habang naiwan kami ni Nympha at Niña rito.

"Pero galit sila sa akin..." mapait kong sabi.

The scene a while ago came crushing into my mind again. Narinig ko ang pagtawa niya.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now