"What's happening here?" si Levi pero walang sumagot sa kanya. Parepareho lang kaming tahimik.
Seryoso ang tingin ni Ryan sa akin. Hindi ako makatingin ng deretso at pilit inalis ang tumakas na luha sa mga mata.
"Bakit ka umiiyak?" he clenched his jaw.
Nagsalubong rin ang mga kilay niya at bahagyang nakakunot ang noo.
"Great! Since nandito ka na, bakit hindi mo tanungin ang babaeng—"
"Shut up, Nym! I am not talking to you!" he said. Hindi man lang tinanggal ang titig sa akin.
"Don't be harsh on Nym, Ryan!" si Levi na naiinis na. Pero hindi man lang siya nilingon ni Ryan.
I looked apologetically to Levi. Hindi siya nagpakita man lang ng reaksiyon.
Napasinghap si Nympha sa inasta ng pinsan niya.
"Wow!" she even clapped her hand slowly. Na parang amaze na amaze sa nakikita.
"Bakit ka umiiyak?" ulit ni Ryan, there's a hint of warning in his deep voice.
Umiling agad ako. Ayaw nang malaman niya kung bakit ako umiiyak. Ayaw kong mag away o masigawan niya ang pinsan niya dahil lang sa akin.
I don't wanna bruise their relationship.
He did not buy my shaking of head. Hinarap niya si Nympha saka pinagtaasan ito ng boses.
"Pinaiyak mo siya? What did you do to her, Nympha?!"
"Ryan, wala silang ginawa..." bulong ko, trying to calm him. Hindi nga lang niya ako pinansin.
"Ryan don't shout on her." saway ni Raf na seryosong nanonood lang.
"Seriously, what the hell is happening here?" si Chaste na gulong gulo pa rin. "Babe?" lumingon siya sa kay Asterin na nag iwas lang ng tingin.
"Bakit hindi 'yang babaeng 'yan ang tanungin mo?" si Nympha.
"I'm asking you, Nym. Don't try me." Ryan said, losing his patience. "Huwag mong ubusin ang pasensiya ko." He warned.
"Ryan, wala lang iyon." hinawakan ko ang kamay niya at pilit siyang pinapalingon sa akin.
Sumulyap ako kay Nympha at nakita ko ang saglit na pagdaan ng takot sa mata ni Nympha, pero agad rin iyong nawala at napalitan ng galit.
"Emmanuel, stop it!" ani Kierr.
"Yes! Pinaiyak ko siya. Satisfied now?" she mocked Ryan.
Umigting ang panga niya. He's gritting his teeth.
"Bakit hindi mo nga tanungin ang babaeng dinala mo rito kung bakit?" hamon niya. Sumulyap siya sa akin. "Tell him why I'm shouting on you..." nag iwas ako ng tingin. Hindi ako umimik.
Gusto kong sabihin na hindi ko siya ginagamit, pero hindi ko magawang magsalita. Dahil kapag narinig niya ang paratang ng pinsan sa akin ay alam kong masasaktan siya.
Baka ay gaya ng pinsan niya ay ganoon rin ang isipin niya, at baka iyon rin ang paniwalaan niya.
"Go on, tell this dumb cousin of mine that you're fucking using him!" she yelled.
"What?" Gulantang na sabi ng ibang lalaki.
This time, yumuko na ako at hindi na nag angat ng tingin. My eyes were getting blurry. Nagbabadya na naman ang luha sa mga mata.
I bit my lower lip to stop myself from bursting into tears.
Sumisikip ang dibdib ko at parang pinipiga ang puso ko sa nangyayari. Ramdam ko ang paglingon ng lahat sa akin. Like they are all waiting for me to confirm what Nympha said.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Only Exception
RomantizmFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
Chapter 19
En başından başla
