74 - ✿

1.5K 29 13
                                    

"Uh, thanks."

Tumikhim ako at inilipat ang paningin sa relos na nasa palapulsuhan ko.

"Welcome," kumabog ng matindi ang puso ko at dumiretso na sa table nina East. I saw him looking at me teasingly and even simply poked my waist to tease me more.

"Gago, tigil mo nga 'yan. Inabot ko lang 'yung wallet," mahinang saway ko bago siya itulak sa gilid at umupo sa tabi niya. Ngumiti lang sa akin si Mira at hindi na nag-salita. I smiled at her too before simply glancing on Erina's table.

I saw her shoving her earphones on  her ears and continued reading on her book alone. Where's her friend, Olivia?

"Bro, baka matunaw," natatawang asar ni East at tinapik ang  balikat ko. I swatted his hand and crossed my arms. "Bakit ka naman nandito ha? Sabi mo sa'kin, ayaw mong lumabas?"

I glared at him. "Bakit ba? Sa gusto kong lumabas, 'e."

"Eh, nako nako. Nalaman mo lang na nandito si Eri — "

"East, huwag mo nang asarin si Troyce. He looks uncomfortable with it.." malumanay na saway ni Mira at bahagya akong nginitian.

"Tss, hiwalayan mo na nga 'yan, Mira. Nang mag-tanda," wika ko.

"Anong hiwalayan? Ulol, mag-isa kang single."

"East."

"Okay po. Tatahimik na.." sabay nguso ni East at inom sa kaniyang tubig. Napailing-iling na lang ako at sumulyap ulit kay Erina. Napataas ang kilay ko nang maabutan siyang nakatingin din sa akin pero kaagad niya iyong iniwas nang makitang nahuli ko siya.

I smirked.

Tingin-tingin mo diyan?

Tumayo na rin ako at nagpaalam sa kaniya. I just walked passed her. Moved on na ako.

Umuwi na rin ako pagkatapos noon. Sayang lang ang oras ko para tingnan siya buong mag-damag.

But I love her transformation today. Her short hair suits her face.

Umiling-iling ako. Bakit ko ba 'yon iniisip.

I sat on my bed and turned to my phone when it beeped. Napapikit ako nang makita ang notification.

Shit.

Shower Me Love, Troyce ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt