Tahimik akong nasa likuran niya. Ilang beses nang bumuntong hininga at pilit inaalis ang narinig para hindi na bigyan ng malisiya pa. But it just keeps on coming back over and over again.

I sighed again. Tumigil kami sa bahay nila. Nakaparada na ang kotse nila. Maingat akong bumaba sa motor. Pansin ko ang pagsulyap sa akin ni Greg pero hindi ako tumingin.

I immediately walk to TIta Zandra who's waiting.

"Hi, Tita!" bumeso ako sa kanya.

"Good morning, hija. You look stunning!" She looked at me from head to toe.

I am wearing a flat sandal. Naka sleeveless cropped top ako partnered by a high waisted short.

Ngumiti ako sa kanya. Flattered by her compliment. "Ikaw rin po, Tita." puri ko rin.

Saglit kaming nagpurihan habang hinihintay si Ryan na nagpapark ng kanyang big bike sa garahe.

"We will go now, Mama. Take care of yourself here." Ryan said and kissed her mom's forehead.

"I will, anak. Mag enjoy kayo sa roon!" She said.

It's a three day stay. Gusto ko sanang isama ang mga kaibigan ko ay hindi ko rin nagawa dahil hindi ko rin masabi dahil inuunahan ng hiya. Ang kasama ko lang ay mga pinsan ni Ryan.

Bumuntong hininga ako. I'm sure I will not enjoy the beach fully, si Ryan at Raf lang naman ang makakausap ko roon.

Isa pa, how can I enjoy my stay there if I know one of my friends has a problem? Sinandal ko ang ulo ko sa sa salamin ng bintana ng kotseng minamaneho ni Ryan.

"Kanina ka pa bumubuntong hininga. Still thinking about Cian?" pambabasag niya sa katahimikan.

Partly, yes. Hindi na yata talaga matatanggal ang pag aalala ko sa kanya.

"Kinda..." maikli kong sagot. Hindi na siya sumagot. Instead, he let the car's stereo play.

"You can choose radio stations you want..." sambit niya.

Agad ko namang inilipat yun at nang makapili ay muli akong sumandal sa backrest. I closed my eyes and feel the music until I found myself singing like an idiot. Sinasabayan ang music.

"I need somebody who can love me at my worst." I even start tapping my legs for the beat. "No, I'm not perfect but I hope you see my worth."

Tumingin ako sa gawi ni Greg at nakita ko ang maliit niyang ngiti. Like he's enjoying the sight of me singing out of tune. Tumigil ako sa pagkanta dahil narealize ko na hindi pala kasing ganda ng boses ni Mai ang boses ko.

"Bakit ka tumigil?" he asked when he noticed that I stopped singing.

"Wala lang..." sagot ko pero ang totoo ay nahihiya ako. I maybe looked crazy while singing.

"Silly, 'wag mo akong pansinin. You can sing with all your might—on top of your lungs—and even with your out of tune voice." he chuckled, pinagkakatuwaan ako. I glared at him.

"I won't judge you." sabi pa niya.

"I hate you!" I complained. Ngumuso ako para maipakitang naiinis ako sa ginawa niya.

"Don't pout, please." he sid. Bahagya pa ring tumatawa. I pouted more, hindi sinunod ang pakiusap.

"Don't pout..." he repeated. Tumigil ako sa kakanguso.

"Pangit ba masiyado ang boses ko?" I asked.

Nagkibit balikat lang siya. Like trying to annoy me more. I hit his shoulder twice. Imbes na masaktan sa ginawa ko ay mas lalo lang siyang natawa.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now