She showed me her thumbs up. "Of course! Don't worry about me,"
Bigla ay naalala ko si Conrad sa thumbs up. He told me that our thumbs are for us to tell that we're just fine even if we're not really fine. Tama nga siya.
Hindi ko na napigilan ang sarili at niyakap siya ng sobrang higpit. That's when I saw how her shoulder fell down. Nanginig iyon at niyakap rin ako nang mahigpit.
"I'm sorry..." she whispered.
I caressed her back. "Nandito lang kami palagi para sayo. If you can't take it anymore, share the burden with us. Anong silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi ka namin dadamayan? We're always here for you." I whispered back.
"T-Thank you..." she said in between her sobs. Kung hindi pa siya sinita ng kasamahan niya ay hindi pa siya kakalas sa yakap ko.
She wiped her tears away. "Ingat kayo!" she said.
Tumingin rin siya kay Ryan. "Alagaan mo 'tong kaibigan ko, kung hindi lagot ka sakin!" she warned.
Natawa naman ako. Greg raised her brows on my friend. "You don't have to remind me. I will definitely take good care of her. That is my outmost priority. She is my priority."
Pareho kaming nalaglagan ng panga ni Cian sa narinig. Hindi lang panga ang nalaglag sa akin kung hindi pati ang puso. Kahit ang hininga ko ay naputol na rin yata.
What does he mean by that?
"Ingat kayo! Enjoy the beach!" she waved her hand to me nang nasa pintuan na kami ng cafe.
Ganoon rin ang ginawa ko.
"Pasalubong ko, kahit isang gwapong tourist na lang ang iuwi mo para sa—" hindi na niya nasabi ang dapat sasabihin nang may biglang sumigaw sa pangalan niya.
"Cian Back to work!" Isang nakakunot at nakacross arm ang sumigaw. Agad namang bumalik si Cian sa ginagawa.
Parang lumulutang akong naglakad palabas ng mall. Hindi pa rin makaget over sa narinig na sinabi kanina ni Ryan. Kahit nang bumili kami ng extra clothes namin ay lumulutang ang isipan ko.
I am very much aware that I am smiling like an idiot while choosing clothes. Kahit sa counter ay patingin tingin sa akin ang cashier dahil sa hindi mawalang ngiti ko. Nginitian ko na lang siya. Alanganin naman siyang ngumiti sa akin.
Ganito ba talaga ang epekto ng mga salita ni Ryan sa akin? I waited for him to take his words back, but I heard nothing.
Nang makalabas kami ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
From: Cian
I'm fine, Curns. Don't worry about me. Thank you for checking me out. Huwag ka nang malungkot para sa akin, please? Oh and by the way, grabe bumanat si papi mo Ryan. Hinay hinay lang sa kilig na nararamdaman mo ha, baka nakakalimutan mo na kasi si Tangi mo Conrad.
How can I not worry about her? She's dear to me at kilig? Hindi naman ako kinikilig? Natuwa lang sa narinig.
"Lagot ako kay tita kapag hindi kita inalagaan..." pambasag niya sa katahimikan.
Parang may kung anong nabasag sa akin nang marinig ang sinabi niya. Oo nga naman, bakit niya naman ako aalagaan dahil gusto niya? Iyon pala ang dahilan bakit niya sinabi yun.
Tumawa ako ng pilit.
"O-Oo nga! Baka makurot ka niya kapag nagasgasan ako." I tried to make it sounds like a joke, pero sa bawat tawa ko ay halos ramdam ko ang pait.
Paasa!
Wait! And so what if he's just taking care of you because of your mom, Curns? Bakit, ano bang inaasahan mong dahilan para alagaan ka niya?
YOU ARE READING
The Only Exception
RomanceFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
Chapter 18
Start from the beginning
