"Upo muna kayo, I'll go to you later." She did not wait for me to answer.

Tumalikod na siya at naglakad papalapit sa bagong dating na costumer.

I sighed. Tumingin ako kay Ryan na tahimik lang. Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. He smiled like assuring me that it's alright. Hinila na niya ako sa may table na tinuro ni Ciara. Nagpatianod lang ako.

"You didn't know?" he asked me.

Nangunot ang noo ko sa kanya. Tila nakukuha ang pinaparating niya.

"Alam mong nagtatrabaho siya rito?" I asked him. Tumango siya.

He knew? How? Nagkikita ba sila rito? Or accidentally?

"Paano mo nalaman na nagtatrabaho siya rito? At...at bakit hindi mo agad sinabi sa akin? She's my friend! Alam mo 'yan!" hindi na maitago ang inis at pait sa boses ko.

"I'm sorry...she asked me to keep it a secret. Isa pa, wala ako sa posisiyon para magsabi. Ang sabi niya ay ipapaalam niya sa inyo." he explained.

"Paano mo siya nakita dito?" I asked, curiously.

Saglit siyang natahimik.

"I am friends with his brother—Kean Jasper..." panimula niya. "Nagpatulong siya sa aming hanapin ang kapatid niya. And one of our friends told us to meet him here, and we happened to see her here. Siya iyong naatasang magtanong sa amin." pagkukwento niya.

Natahimik ako. How long is she working here? Anong nangyari, and why did she end up working here? I'm still clueless even if some ideas were already running into my mind.

My friends need to know this!

Hindi nagtagal ay lumapit na ulit sa amin si Cian.

"I'm sorry, I can't join you right now. I'm just here to take your order. Sorry, Curns. I will explain everything but not right now. I'm busy working, it's Sunday, at ganitong araw ay doble ang bilang ng costumer namin. I can't entertain your questions right now. Hindi ako papayagan ni sir Caelum." kahit na kating kati na ako magtanong sa kung anong nangyayari ay wala rin akong nagawa.

"But how about our friends?" I asked. I wanted to tell them all. I wanted to message them and tell them what is going on, but I stopped myself. Ayaw kong pangunahan ang kaibigan sa desisyon.

"I promise, I will explain soon kapag kumpleto tayo para isang paliwanagan lang. Hindi talaga pwedeng samahan ko kayo ngayon at magagalit si Sir Caelum. Please, get angry with me but not right now."

Sinabi ko na lang rin ang order ko dahil talagang napapansin ko ang pagdagsa ng mga costumer. Greg ordered the same order as mine.

I'm so eager to hear everything. Gusto kong mainis at magtampo sa kanya dahil sa paglilihim pero mas nangingibabaw ang awa at lungkot para sa kanya.

I looked at Cian who's serving her customer with a big smile. She's smiling but I know she's hurting inside. Alam kong nahihirapan siya.

"Eat your breakfast, Curns." Ryan suddenly said.

That's when I noticed that I was only playing the pancakes in my plate.

"Uh, sorry." I said and tried to eat.

Kahit walang gana ay kinain ko pa rin ang pancakes.

"Don't worry, she will be alright." I smiled at Ryan.

"You think so?" nag aalalang tanong pa rin para sa kaibigan.

"Yes, I know all of you are strong." He assured.

Nang matapos kaming kumain ay lumapit pa rin ako sa abalang si Cian.

"We will go ahead." I informed her. Ngumiti siya. "Are you sure, you'll be alright here?" I asked.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now