He invited me to come with his cousin. Hindi rin naman ako tumanggi dahil gusto ko ring magbeach. Isa pa, kahit si mama ay tinutulak ako. My family grew fond of him kaya welcome na welcome rin siya gaya ni Conrad.

"Alis na po kami, tita!" Ryan said.

"Okay, take good care!" Mama answered. Umangkas na ako sa motor at agad rin iyong pinaharurot ni Ryan.

Tumigil kami sa pinakamalapit na mall para bumili ng extra clothes.

"Can you wait for me here?" I asked as I handed him the helmet. He shook his head.

"Samahan na kita, I'll buy clothes too, but let's have breakfast first." He said. Tumango na lang ako.

Oo nga, at dadaan pa kami sa bahay nila para kunin ang kotseng sasakyan namin. He doesn't want to drive his big bike when it's a long drive, lalo na at sobrang init ng panahon ngayon.

"Let's go, then." I said. Nagsabay kaming pumasok. He let me decide if where are we going to eat breakfast.

"I heard may bagong open na coffee shop here. Doon na lang kaya?" I suggested.

"Oo, bago lang sila pero marami na agad ang nagugustuhan yung shop." sang ayon naman niya. I didn't know the way, but he does so he guided me.

Nang makarating sa bagong bukas na shop ay napanganga ako.

It's a cozy shop!

Parang kapag pumasok ang mga costumer nila ay parang nasa bahay lang. Kaya pala. It gives you a chilling vibe inside, but what caught my attention was the girl in their shop dress code. May hawak siyang papel at ballpen, para siguro kunin ang order ng mga customer.

Halos mapanganga ako at hindi makapaniwala sa nakikita. I walked faster para makalapit sa kanya, hindi na hinintay si Ryan na nasa likuran.

I want to confirm it, this is pretty impossible. Ang akala ko ba ay nasa vacation siya with her dad and brothers?

Abala siya sa pagkuha ng order kaya hindi niya napansin ang paglapit ko. Kinalabit ko siya at agad siyang humarap sa akin nang hindi man lang lumilingon. She's still busy writing something on the paper she's holding.

Titig na titig ako.

Ramdam ko rin ang pagsunod ni Ryan sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. My eyes were already stucked staring at the girl with the waitress uniform.

"Good morning, angels! Welcome to Caelum coffee shop! Where coffee taste like heaven and forever. May I take your order, ma'am? So I can just deliv—" nag angat siya ng tingin at hindi na naituloy ang sasabihin pa. Her jaw dropped.

"Cian..." I called her name. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Curns?" She blinked so many times like she's imagining things.

Hindi rin makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. Nang masigurong totoo nga ako ay ngumiti siya ng mapait. Lumipat rin ang tingin niya sa taong nasa likuran ko. Magsasalita pa sana ulit siya pero hindi niya rin nagawang sabihin ito.

I was literally standing just in front of her. Hindi pa rin makapaniwala na narito siya at nagtatrabaho. Malungkot akong tumingin sa kaibigan ko.I

am hurting for her.

Ngayon pa lang na nakikita ko siya rito ay halos maiyak na ako para sa kanya. What's more if she's going to tell me what really happened and why did she lie to us.

"Akala ko ba—" hindi ko na naituloy ang sasabihin niya nang biglang may tumawag sa kanya.

"Miss!" agad siyang lumingon roon. Tinatawag siya para sa order. She once again looked at me apologetically and point an empty table.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now