Hayan ka na naman, Chloe. Huwag mong kakalimutan na pamilya ang pinaka-importante sa lahat. Kahit na umiibig ka na sa isang lalaki, pamilya pa rin ang una mong iibigin.

Bumaba na kami ni Raphael ng sasakyan at pumasok na ng simbahan. Sa meeting room ay naabutan namin ang ilang kasamahan na tila nagtitipon-tipon.

Naupo si Raphael sa isang tabi, tahimik lang at nagmamasid. Ganito siya lagi kapag narito. Halatang wala sa simbahan ang isip at interes.

“Chloe, mabuti at narito ka na.” masayang tawag sa akin ni Tita Prescy, isa sa mga lecter at matagal na rito sa Cathedral.

“Maaga po kami naihatid ngayon.”

I roamed my eyes and noticed a new face. Babae, tingin ko ay kasing-edaran ko. She’s wearing a uniform like we have. May belo rin sa ulo, maganda at maputi. She’s smiling to the Minister while talking.

“May bago tayong kasamahan. Her name is Hannah. She’s from a church in Cavite. Nalipat dito dahil lumipat na rin ng tirahan.” pakilala ni Tita Prescy.

Lumingon ‘yong Hannah sa akin bago ngumiti. I smiled at her, too. At nang ialis niya ang tingin niya sa akin ay hindi ko maiwasan ang purihin siya sa isip ko.

She’s very pretty with her upturned eyes and thick but well-groomed eyebrows. Matangos rin ang ilong niya at maliit. She got perfect cheekbones that protrudes whenever she’s smiling. Maliit lang rin ang mga labi niya napipintahan ng lipstick na kulay rosas.

Maganda siya. Magandang-maganda.

“She’s so pretty, ate.”

Nilingon ko si Raphael. Naabutan ko siyang nakatitig kay Hannah, halatang humahanga. Ginulo ko ang buhok niya, nangingiti.

“Crush mo siya?” bulong ko.

Ngumiti siya nang bumaling sa akin. “No. I just admire her beauty. Ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa akin.”

Mas lalo kong ginulo ang buhok niya at mahinang nagtawanan. I once again looked at Hannah, she’s now standing while looking at her reflection through the oval mirror.

Matangkad pala siya. Higit na matangkad kaysa sa akin. Kapag magkatabi kami ni Hellios, hanggang braso niya lang ako. Lalo na at hindi naman ako palasuot ng mga sapatos na may takong.

I was supposed to be the Commentator but Tita Prescy said that Hannah would take the position just for now. Wala namang problema sa akin ‘yon kahit pa ako ang maging Lecter o Commentator. Kahit na anong posisyon para magsilbi sa Diyos ay tanggap ko.

Puno ang simbahan, maraming tao ang dumalo ng misa. Sana lahat ay ang salita talaga ng Diyos ang idinayo.

I was holding the Bible straight up to my head as I marched towards the altar. Diretso dapat ang tingin, iyon ang isa sa mga batas ng simbahan.

Pero malayo pa lang ay natatanaw ko na sina Lola Carmina at Tita Empress sa gilid, nakatingin sa akin habang nakangiti. As much as I know that it’s not allowed to make any reaction, I still smiled at them. Kaagad kong hinubad ang ngiti at itinuon na sa altar ang atensyon.

Nagsimula ang misa. Ang boses ng Pari at ni Hannah ang pumailanlang sa buong simbahan. Habang nakaupo sa silya sa gilid ng altar ay nahagip ko si Lola Carmina na kumaway sa akin. Muli ko siyang nginitian bilang tugon.

Samantalang nang si Raphael naman ang tanawin ko sa unang hilera ng upuan sa harap ay nakita ko siyang pipikit-pikit na.

Mabuti na lang at wala sina Papa dito. Kung hindi ay siguradong mapapagalitan na naman siya.

Natapos ng maalwan ang misa. Hindi ko na nakita pa sina Lola Carmina at Tita Empress sa loob. Baka nagmamadali at umuwi na rin. Nagkita rin naman kami nung nakaraang linggo at ibinigay sa akin ang mga pasalubong ni Lola Carmina dahil nagbakasyon pala sila sa Australia.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now