I'll talk to him kapag kaya ko na, at aayusin namin ang away hindi problema namin sa isat isa.
Tumango na lang ako sa kanya. "Susubukan ko po, ma."
Hinayaan niya ako pagkatapos, hindi na rin siya nagsalita hanggang sa matapos siya sa pagsusuklay sa buhok ko. She kissed me good night and go out of my room.
"Saan ka na naman pumunta noong isang araw?" tanong agad ni Cian nang makapasok ako sa unang klaseng kasama siya.
Hindi ko pa nga nailalapag ang bag ko. Natatawa ako dahil akala ko ay hahayaan nila akong ako ang magsabi dahil kahapon naman ay hindi nila ako kinulit o tinanong. Pero isang araw pa lang ang lumilipas ay eto na sila at hindi ns nakatiis.
"Saka, absent si Conrad kahapon ah? Bakit? Alam mo ba?" tanong ulit ni Conrad.
Ang alam ko ay may lagnat si Conad kahapon. Nagtiis akong hindi siya puntahan kahapon pero hindi rin ako nakatiis at sinilip siya nang nalaman kong tulog siya. I told tita Aina to keep it as our secret. Pumayag naman siya.
I know Conrad's fine now. Dahil sabay lang kaming lumabas sa pintuan ng kanya kanyang bahay kanina. He tried to talk to me pero hindi rin natuloy dahil sinalpakan ko na ng earphones ang tainga ko. I only heard him calling me pagkatapos ay wala na.
Hindi pa ako nakakasagot ay muli na ulit itong nagsalita.
"Ay sorry, pasmado. 'Di na pala kayo nagbebebe time, este, nag uusap nun."
Sinamaan ko siya nang tingin. Nag iwas siya nang tingin.
"I didn't know you're close pala sa cousin ng geek na iyon?" Nikhaule said after putting her bag on her chair. Ngumiwi siya nang mabanggit ang salitang 'geek'.
"Sa kanya ka raw sumama? Dati kausap mo lang yun sa sementeryo ah? Ngayon ka-tanan mo na!" tunawa naman si Kristine.
I did not laugh with them. Hindi rin ako nagsalita sa mga sinabi nila. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin.
"Hoy, gago! Magsalita ka naman. Saan kayo pumunta nun?" Mei couldn't stop asking.
Tumingin ako sa kanila saka ngumiti ng pilit.
"I don't know what to say." pag amin ko. Hindi rin ako sigurado kung dapat ko bang sabihin na naglasing ako at sa bahay ako nila Ryan Emmanuel umuwi.
"Huh? Bakit hindi mo alam ang sasabihin mo?" Yngrid asked –confused.
"Huwag niyo na munang tanungin si Curns, kumain na lang muna tayo." si Cian at nag umpisa na kaming kumain. Nang malapit na kaming matapos ay naramdaman ko ang paglapit ng isang tao sa harapan ko.
Hindi pa siya nagsasalita ay nauna na ako. "Ayaw kitang makausap, Conrad..."I said without even looking and continue eating.
I heard a clearing of throat from my friends and from the man in front of me. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"You left this at home," ang sabi niya saka binigay ang paper bag na ang laman ay ang uniform ko.
Nahihiya kong tinanggap iyon. Habang tahimik lang namang nanonood sa amin ang mga kaibigan ko. Nagpipigil ng tawa at kilig.
"Salamat, Ry. Sorry about the other night." I said. Nahihiya kong nilagay sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko.
"It's fine. You're welcome. How are you feeling?" He asked.
Hindi pa ako nakakasagot ay tumikim siya.
"I mean... Mama's asking for you... If, uh, how are you feeling...yeah, ganun nga." He smiled and touched the back of his neck.
YOU ARE READING
The Only Exception
RomanceFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
Chapter 15
Start from the beginning
