Para naman akong matutuwa kahit pa hindi iyon tamang maramdaman ngayon. Hindi rin ako nakapagsalita. Did he try to look at me all night? Should I say my thank you to him? Kakausapin ko na ba ulit siya? Pinag alala ko ba siya?
"Siel, hindi... mali ka," My dad said. Anong ibig niyang sabihin? "Hindi niya hinanap si Curns. He's working with his group about their project yesterday kaya hindi siya uwuwi. Hindi dahil hinahanap niya rin si Curns."
Parang isang malakas na sampal iyong narinig ko para magising ako sa katotohanan na hindi siya ganun mag aalala dahil sa akin. My whole system shuts down in a snap at parang hindi na tuluyang pumasok sa isip ko ang mga galit na sigaw ni mama. All I know is that I am hurting.
My mama scolded me more until she lets me go.
Habang naglalakad paakyat ay halos matumba ako sa panghihina. Gustong gusto ko na siyang kausapin pero hindi ko pa kaya, hindi pa ako handang kausapin siya. Hindi pa ako handang harapin siya. At parang hindi ko na talaga kakayanin pang makausaop siya.
Nang matapos akong magshower ay binuksan ko ang cellphone at isa isang pinadalhan ng mensahe ang mga kaibigang pinag alala ko.
I also received a message from an unknown number.
From: Unknown Number
Make sure to take a cold shower para mawala ang sakit ng ulo mo.
-Emmanuel
I smiled and changed the name of the unknown number. Pano niya pala nakuha ang number ko?
Nagtipa ako ng sagot.
To: Ryan Emmanuel
Salamat sa pag aalaga sa akin. I'm done taking a shower. Thank you for reminding me. Paano mo pala nakuha ang number ko?
I asked.
Agad din tumunog ang cellphone ko para sa bagong mensahe.
From: Ryan Emmanuel
Your contacts.
Nang gumabi ay hindi ko na sinubukan pang lumabas sa veranda. Ayaw kong pumunta roon at may makikita lang rin akong hindi dapat makita.
Naghahanda na akong matulog nang marinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pintuan ko. I softly open the door.
Pinapasok ko si mama.
"Anak, I'm sorry I shouted on you..." malambing na sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"It's fine me, I understand that I had you worried." I started combing my hair. Kinuha niya iyon sa akin at siya na lang ang nagpatuloy sa pagsusuklay sa akin.
Saglit kaming tumahimik. "Nag away ba kayo ni Conrad?" bigla ay tanong niya.
Hindi ako sumagot. Bumuntong hininga lang ako.
"Why? What happened?" She asked na tila naintindihan niya ang pagbuntong hininga ko. Hindi ko gustong malaman niya ang nangyayari sa akin. I don't want to worry her more.
"Wala, ma. Kaunting away lang po." I lied.
Naramdaman ko ang titig niya sa kin.
"He's been always waiting for you—trying to talk to you. At palagi kong napapansin na iniiwasan mo siya. Ngayon lang hindi dahil may tinatapos raw na project Kanina lang daw umuwi 'yon, ang nakakapagtaka ay parang magkakasakit yata sabi ng mama niya. Ilang araw ka na ring hindi sumasabay sa kanya. Palagi roon sa kaibigan mo." She added.
I did not talk. Project? Wala naman kaming ganoon ngayon, baka sa ibang subject na hindi niya ako classmate.
"Why don't you fix your problem with him, talk to him. You know, you communication is the key to a healthy relationship..." she tried to suggest.
BINABASA MO ANG
The Only Exception
RomanceFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
Chapter 15
Magsimula sa umpisa
