"Tumigil nga kayo! Si Cian na muna ang alalahanin natin!" pigil ni Meeei.

"Hindi man lang ba siya tinawagan ng papa niya para man lang alamin kung saan siya nagpunta? Or her siblings! To at least check on her?" Mei asked.

"I don't know, ang alam ko lang ay ang pagpapalayas sa kanya after her mom was declared dead on arrival." Sabi ko.

"Hindi naman kasalanan ni Cian iyong nangyari." They said. "Mama niya rin iyon."

"Hindi ko alam, basta dumating na lang siya rito kagabi na umiiyak at she keeps on telling me that she killed her mom." Pagkukwento ko.

Umalis rin sila nang hindi nakikita si Cian o nakakamusta man lang. When they tried to talk to her, Cian just told them she's fine and she wants to be alone.

"Sige, babalik na lang kami bukas," malungkot na sabi ni Yngrid. "Pilitin mo siyang kumain ha? Baka mapabayaan niya ang sarili niya, ang payat na niya 'yon, baka mas lalong mangayayat."

"I will, see you tomorrow. Mag iingat kayo." I waved my hand to them. Ganoon rin sila.

I brought the food upstairs. "Cian..." I called her, nakahiga lang ito at nakatabon ang kumot sa buong katawan.

"Curns, hindi ako gutom." Sabi niya.

Inilapag ko ang pagkain sa bedside table ko.

"Yes, but you still need to eat. Masama ang nagpapalipas nang gutom." Sabi ko.

"I don't want to eat! Siguro ay dapat mamatay na lang rin ako! In that way, I can be with my mom," she said and then starts crying again.

"Don't say that..." sabi ko saka lumapit sa kama at umupo malapit sa kanya. "How about your family? Don't you wanna be with them?" I asked.

"Dad's probably happy because I'm not there anymore. He hates me. Malamang ay ganoon na rin ang dalawang kapatid ko." She said while sounding like they don't care even if she dies.

I sighed. "That's not true..." malumanay kong sambit.

"It is!" pamimilit niya.

"Then how about us? Your other friends?" I even added.

Nagbaba siya ng kumot at malungkot na tumingin sa akin. "You're... You're all better off without me... you can still move on with your life without me because you have family to lean on if you're sad, habang ako, mag isa na lang, walang kahit na ano. Maybe... I'm better off alone or dead."

Umiling ako saka humiga at yumakap sa kanya. "We are your family, Cian." I softly said.

"I know, I'm sorry. And thank you..." she said. Tahimik siyang umiyak sa akin. She was silently crying, while I was just listening go to her silent pleas.

"Kumain ka na, sasamahan kita..." I was thankful when she got up of the bed. "Gusto mo sa verenda tayo?" pag-aya ko.

"Sige..." tumango siya. Dali dali akong bumaba ng kama at kinuha ang tray ng pagkain, at agad ko itong dinala sa may table sa verenda. Baka kasi biglang magbago na naman ang isip niya at magdesisyon na wag na lang kumain.

"Sit here..." I offered the sit in front of me. Saglit gumawi ang tingin niya sa verenda na katapat lang ng akin.

"Kwarto ni Conrad 'yan?" she asked and pinpointed the Conrad's room.

"Yup!" I answered.

"Bakit parang wala sila?" she asked and sat in front of me.

"Diba sabi ko sa group chat, nasa vacation sila?" Sabi ko.

"I didn't know, I haven't checked our group chat yet since I'm not in good shape yesterday..." sabi niya saka yumuko at unti unting nagsubo ng pagkain.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now