"Quiz notebook ng section namin." Sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang pagkailang sa kanya gayong hindi ko naman siya kilala at hindi ko rin naman siya kaibigan.

Hindi na ito sumagot saka nagpatuloy sa ginagawa niya sa table na katabi ng table ng teacher namin. College teacher kasi ang subject teacher namin.

Nakita ko rin ang notebook namin pagmatapos ng tatlong minuto. Binuhat ko ang mga iyon.

"Tulungan na kita..." he offered. I automatically shook my hand. Mang aabala pa ako.

"Hindi na!" pagtanggi ko. Hindi na rin ito nagpumilit. "I'll go ahead!" paalam ko. Tumingin lang ito sa akin. Nginitian ko siya bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko siyang magsalita muli.

"Uhh..." lumingon ako sa kanya. Tumagal ang titig ko sa kanya para antayin ang anomang sasabihin niya pero tumitig lang rin siya sa akin but it didn't last long because his gaze went to my back.

"Curns..." boses ni Conrad na galing sa likuran ko. Agad akong nangingiting lumingon sa kanya.

Siya ba ang pinadala ni Nikhaule para tulungan ako?

"Hi, tangi!" I greeted him.

He didn't reply, instead he walked to me saka kinuha ang lahat ng notebook na binubuhat ko.

Tumingin ito sa lalaking kausap ko. Oo nga pala!

"Ah bakit nga pala?" I asked the guy. Tipid itong ngumiti saka umiling.

"Wala," he shook his head. I just shrugged my shoulder and told him we'll go ahead. Paglingon ko ay nakalayo na si Conrad.

"Conrad, wait lang!" I run after him. Hinintay niya naman ako.

"Bakit ka niya kinakausap?" tanong agad niya. Busangot ang gwapong mukha.

"Tinulungan niya lang ako kasi nahulog ko iyong ibang notebook doon sa table ni sir," I explained. He nodded but still looks not convinced.

"Why is he there?" Sunod na tanong niya.

Nagkibit balikat ako sa kanya. "I don't know,"

Hindi ko nga alam na nandoon siya. Naglakad na kami ulit pabalik ng room.

"Bakit ka pala nandoon? Ikaw ba 'yong pinadala ni Nikhaule?" I asked.

"Oo." Tipid na sagot niya. Pagdating namin doon ay idinistribute namin agad ang notebook.

Pinagkumpara naming lahat na magkakaibigan ang score namin.

"Galing naman, perfect score tayong lahat." si Yngrid. Sabay sabay kaming tumingin kay Mei na nakatunghay.

"Salamat sa biyaya, Mei!" sabay sabay na sigaw namin saka nagtawanan dahil pinakoopya niya kami.

"Gago!" sagot naman nito agad. Pagkatapos ng pang umagang klase ay sabay sabay kaming naglakad papuntang cafeteria ng school.

"Ano palang plano niyo sa graduation?" biglang sabi ni Ciara na inaayos ang sarili.

Oo nga pala, isang buwan na lang pala at gagraduate na kami.

College na kami sa susunod na taon.

"I don't have plans pa. I don't want to think about college yet. I wanna enjoy summer before I think about the course I want to take." Ani Nikhaule.

"Basta group photo natin ha." Si Mei.

Excited naming pinag uusapan ang gagawin bilang celebration sa paparating na graduation.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now