CHAPTER 4

1.2K 75 10
                                    

Daeva
_____________________________
"Now before I dismiss this class, I want you to buy the book of 'Return of the Dead' May grade ang pagbili sa libro kaya dapat bumili kayo. I will check it the day after tomorrow so be ready." The old teacher glared at us one by one before wearing her glasses on.

"Class dismissed." She walk gracefully out of the room and when she's already out of the sight, the other students started to get their things to go to their next subject.

Lucky me, this is my last class for today. I stood up and yawned loudly, not caring if someone sees it.

Should I go home? I want to sleep again.

Lumabas ako ng room at nag-lakad sa hallway para humanap ng magandang matutulugan.

-LIBRARY-

Para akong ginanahan sa buhay nang mabasa ang sign na yon sa malaking pinto. Once I pushed the door open, the cold spread around my face to welcome me.

I entered and decided to sit at the farthest table. I sat comfortably on the chair before laying my head on the table, dozing off to sleep.

___

I was sleeping peacefully when I heard a small creak outside. This abondoned house of mine is too small not to hear even one quiet step. I can hear heavy but quiet steps continued moving outside my room. May narinig pa akong bumagsak na parang mga metal sa sahig.

What the hell is he doing inside my house?  Sigurado ako, lalaki ang naka-pasok sa aking bahay at nasa kusina siya ngayon! Hindi ko alam kung ipag-papasalamat ko bang nag-iisa siya o kakabahan dahil nandoon sa lamesa ang bagong aning patatas ko kahapon. Umagahan hanggang hapunan ko na ang mga iyon kaya kung magnanakaw man ang lalaking naka-pasok, talagang siya ang ulamin ko ngayong umaga.

Tahimik akong bumangon nang walang nililikhang ingay at dinampot ang karit na nasa ilalim ng unan ko.

I walked towards the door and quietly pulled it a little just enough for me to take a peek outside. Sa liit ng bahay ko, kusina agad ang bumungad sa akin.

My eyes widen when I saw a tall lean man standing before my dining table. Hawak niya ang isa sa mga patatas ko!Tama nga ako, nanakawin niya ang mga patatas ko! Sa gulat at inis sa ginawa ng lalaki ay padarag kong binuksan ang pinto dahilan para mapatalon siya sa gulat at nabitawan ang patatas.

Naka-ipit ang isang rolyo ng lubid sa kanyang kili-kili at may suot na sumbrelo pang-saka. Sa bewang ay may itak na naka-pulupot sa kanya.

A piece of my potato fell down on the floor and rolled to my direction.

"Bakit mo ninanakaw ang mga patatas ko?!" Sigaw ko at tinuro siya gamit ang karit na bitbit. My precious potatoes... gusto kong yumuko para damputin ang gumulong na patatas pero baka bigla siyang umatake.

The intruder was still in a state of shock but still raised both of his hands to surrender. He somewhat looked mesmirized for a second but then panicked.

"Ano?!" Pinanlakihan ko siya ng mata nang hindi makasagot. Parang papel ang katawan ko at madumi pero kaya ko siyang labanan ngayon.

"P-pasensya na.. hindi ko alam na-na may tao d-dito,"  mas nanlaki ang mata ko at humakbang palapit, nakaturo pa rin sa kanya ang karit. Nataranta siya at napahakbang palayo pero nakataas pa rin ang kamay.

"Paano kung wala ako dito? Edi nanakawin mo ang mga iyan?!" Mabilis siyang umiling.

"T-tiningnan ko lang naman! Maganda kasi ang pag-kaka..." tinaasan ko siya ng kilay. "...pag-kakaani!"

Restless VillainTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang