Chapter 14

71 2 0
                                        

It’s the best thing I could do that time. You are a good person, Euhanna… and I am not.

Alas-dyes na ng umaga pero nakahilata pa rin ako sa kama. Tinitigan ang kisame na animo’y sasagutin niya lahat ng katanungan na meron ako sa utak ko ngayon. Ang aga ko nagising, siguro mga alas-siyete ng umaga, pero wala akong ginawa kun'di ang humilata lang.

Napalingon ako sa bedside table ko at kinapa ang selpon. Naghahanap ako ng matatawagan sa contacts ko pero wala akong mahanap kaya binalik ko na lang din. Bumalik ako sa pagtitig sa kisame.

It’s the best thing I could do that time. You are a good person, Euhanna… and I am not.

Ugh! Sinabunutan ko na nga ‘yong sarili ko. Bakit ba?! Ano ba meron, Rocco, kung mabait akong tao, ha?! Kainis naman ‘to!

Napabaling ulit ako sa selpon at tinawagan si Genesis. Binabaan ako ng tawag, kainis. Sa pangalawang tawag ko ay sinagot niya naman.

“Euhanna,” agad na bungad niya na para bang bagong gising.

“Gen, am I a good person?” pagtanong ko agad. No more greetings, I’m in a rush.

“Seriously? You called because of that?” she seems irritated. Whatever.

“C’mon! I just need an honest answer. It’s an emergency.”

Emergency my ass.

“Why the fvck is that an emergency—”

“Just fvckin’ tell me! My gawd, Genesis, answer me honestly so that you can go back to your sleep, period!” I exclaimed. I heard her sigh on the other line.

“Okay, fine. You are a good—”

Binabaan ko na ng line. I have no time to hear her. I know what she’s going to say. Really? Am I a good person? Sure na ba ‘yan? Final answer?

Ginulo ko ulit ang buhok ko. Bumangon na lang ako at naligo, nag-ayos dahil papasok pa ako sa trabaho. Hindi naman porket magulang ko ang may-ari ng kompanya ay i-take advantage ko na ang pag-leave. Ayoko namang mapagsabihang may favoritism. Isa pa, malalaman ‘to ni Uncle ay kung anu-ano na namang ibabatong masasakit na salita sa akin.

Same to my daily routine, I made up myself the best way I can and made sure na nakuha ko ang car key bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Mommy na inaalagaan ang indoor plants.

“Mom, I’m going na,” sabi ko at nakipag-beso. Napahinto din ako dahil tiningnan niya ako nang patanong.

“Going where?”

“Uhm… to work?” Hindi rin tuloy ako sure. Kasi saan pa ba ako pupunta? May kailangan ba akong puntahan na nakalimutan ko? May appointment ba with clients?

“Omg? Do I have meetings that I forgot?” Nanlaki ang mga mata ko and I definitely dropped my jaw as I covered it. ‘Yan kasi, nag-eemote pa kasi sa kwarto. ‘Yan tuloy, ang dami nang nakalimutan.

“Ewan ko sa’yo. Tinatanong nga kita where are you going eh Sunday ngayon,” sabi niya at ibinaling na ang atensyon sa bulaklak.

I suddenly stood up properly and fixed myself. Sunday pala... so, no work. Bakit ‘di ko alam ‘yon? Masyado na bang occupied ang pag-iisip ko?

“Ah, I forgot,” sabi ko na lang at aalis na sana nang may naalala ulit ako. “Mom,” tawag ko habang nakikihimas na rin sa dahon. Swerte naman ng bulaklak na ‘to sobrang inaalagaan.

“Am I a good person?” dagdag kong tanong. Napatingin siya sa akin, lumapit, at hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Of course you are! Why? Is someone telling you at work that you are a bad person? Who are they? How dare them talk to you like that? Ah no, let them be bad-mouthing you. Inggit lang mga ‘yan because you are a Fontallana,” ngiting sabi ni Mommy.

Bad Lawyer 2: Ecstasy of HeartsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt