Chapter 28: Death

248K 5.8K 506
                                    

Chapter 28:
"Have you ever wondered about how you would die?"

"Where do you want to go?" Tanong sa akin ni Blaze habang kumakain kami ng breakfast.

Linggo ngayon kaya tulog pa si Raven na usually ay kasabay naming kumakain tuwing umaga. As for Zoe and Sven, wala akong idea kung nasaan silang dalawa.

"Wala naman akong gustong puntahan, bakit mo naman natanong?"

"Don't you want to go out? Your life is so boring"

Oo na boring na ang buhay ko pero anong magagawa ko wala naman akong peers at si Ann Dee lang naman ang nag-iisa kong kaibigan tapos madalang pa kaming magkita.

"Syempre may mga gusto din naman akong puntahang lugar, kaso wala naman akong pera para makagala sa kung saan saan"

Madami akong gustong puntahan, kung mabibigyan ako ng pagkakataon gusto kong magpunta sa sagada at panuorin ang sea of clouds nila, gusto ko ding pumunta sa japan, gusto kong makakita ng cherry blossoms, gusto kong pumunta sa tokyo tower, akihabara at gusto ko ding makakain ng authentic japanese food.

"Don't worry about the money, saan mo ba gustong pumunta?"

I looked at my husband skeptically. Ano kaya ang nakain nya at niyayaya nya akong lumabas ngayon?

Well alam kong mayaman sya at hindi problema sa kanya ang pera pero ayoko namang mag-take advantage at magsabi ng malalayong lugar.

"Sa park na lang siguro?" Sagot ko.

"Park? May nagpupunta pa ba sa park? Ayoko dun"

Tignan nyo ang isang ito, tinanong tanong nya pa ako pero sya din naman pala ang magdedecide.

"Let's do this again, this time ayusin mo na ang sagot mo. So where do you want to go?"

"Sa amusement park na lang siguro?" Sagot ko. Wala na akong ibang maisip, besides hindi pa ako nakakapunta dun sa tanang ng buhay ko.

"Okay, then magready ka na"

***

I have never been into an amusement park my whole life. Nakakatawa man pero yun ang totoo. Ang definition namin ni Mama at Papa ng family bonding ay ang pagpunta sa park, yung simpleng picnic lang.

Nung sinabi ko kay Blaze na gusto kong pumunta sa amusement park, what I had in mind is a simple amusement park, like Enchanted Kingdom or Star City. I never thought that Blaze's definition is on another whole level because right now we are in~

"Hongkong disneyland! Pwede bang paki-explain kung ano ang ginagawa natin dito?" Sigaw ko kay Blaze.

I can't help but scream at him, paano ba naman natulog lang ako pag-gising ko nandito na kami sa Hongkong Disneyland. Ang boung akala ko sa Enchanted Kingdom lang kami pupunta o di kaya ay sa Star City.

"Just chill, have fun and relax. Ang sabi mo sa akin gusto mong pumunta sa amusement park, that's why we are here"

"Oo nga, sinabi kong gusto kong pumunta sa amusement park, pero enchanted kingdom o star city lang ang nasa isip ko hindi hongkong disneyland!"

"Tss. Pupunta ka na nga lang ng amusement park bakit hindi pa malayo? Besides, nandito na tayo so just enjoy the moment"

Hinila na ako ni Blaze papasok kaya wala na din akong nagawa. I might as well enjoy this moment, kahit naman kasi magreklamo pa ako useless na din yun. Pagkapasok namin sa loob namesmerize ako sa mga nakita ko. Para akong nasa ibang mundo, sa mundo ni Mickey Mouse dahil kahit saan ako magpunta nakikita ko sya. Daig ko pa ang bata dahil lahat ng rides sinakyan ko, nagpapicture din ako sa lahat ng mascot. Kulang na lang pati tabi ng trashcan picturan ko.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon