Chapter 39: Okay

223K 4.7K 407
                                    

Chapter 39:
"Okay"


"Alam mo ba kung paano kumain ng saging? Una balatan mo tapos kainin mo and then ibato mo yung balat! Parang ganto oh"

Kumuha si Raven ng saging sa fruit basket na dala ko. Pagka-kain ibinato nya yung balat na naglanding naman sa ulo ko. Bastusan lang? Pasalamat sya at injured sya dahil kung hindi baka kanina ko pa sya nasapak.

Ibinato ko pabalik sa kanya yung balat ng saging at pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng dalanghita. Gusto kasing kumain ni Ann Dee ng dalanghita pero tinatamad syang magbalat kaya ako na lang ang inutusan nya. Pero kakaiba din ang isang yun, tinatamad magbalat ng dalanghita pero may energy syang maghanap ng asin sa kung saan.

"Keira!" Tawag sa akin ni Raven.

Hindi ko sya pinansin dahil alam ko namang kalokohan na naman ang nasa isip nya. Wala talagang pinipiling lugar ang kakulitan ng isang ito, injured na at lahat pero may energy pa syang mangulit ng mga tao!

"Keira! Yo!" Sigaw ni Raven habang kumakaway kaway pa.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Naiinis na sigaw ko.

"Taray mo naman, tuturuan lang naman kita kung paano kumain ng saging"

Niyakap nya yung saging habang malungkot ang mukhang nakatingin sa akin. Nabaril lang nabaliw na.

"Di mo na kailangang ituro alam ko naman kung paano kumain nun"

"Pero ang tanong alam mo ba kung paano ang 'tamang' pagkain nun?

Pinagdiinan nya pa yung word na 'tamang'. Mahalaga pa ba kung ano ang tamang way ng pagkain nun ang mahalaga nakain mo.

"Whatever Raven, bukas na tayo mag-usap kapag matino ka na"

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabalat ng dalanghita, ang tagal dumating ni Ann Dee para sana may kakulitan na si Raven at hindi ako ang pinag-didiskitahan nya.

Nagbabalat padin ako nung maramdaman kong dinudutdut ni Raven yung saging sa mukha ko, oo sa mukha ko talaga, bastos talaga to kahit kelan.

"Raven naman! Sasapakin na talaga kita dyan! Ang kulit mo!"

"Sige na kasi, heto ang saging, sabay nating kainin ng tama tong saging na dala mo"

Nakangiting iniabot sa akin ni Raven yung isang pirasong saging. Seriously, ano ba ang meron sa saging at kay Raven?

"Okay fine! Pero pagkatapos nito wag mo na akong kulitin ha. Parang awa mo na!"

"Okay!"

"The proper way to eat a banana, basta gayahin mo lang ako ha Keira. Una balatan tapos kainin tapos ibato mo yung balat"

Kinain ni Raven yung hawak nyang saging. Ibabato nya sana sa akin yung balat pero inambahan ko sya ng suntok kaya hindi nya na itinuloy ang balak nya pero senenyasan nya ako na gawin ang dapat ko ng gawin.

Sige na nga, para matapos na ang kalokohang ito. Binalatan ko yung saging pagkatapos ay kinain ko ito at ibinato ko yung balat sa may sahig pero nagreact si Raven sa ginawa ko kaya napilitan akong pulutin ito and this time ibinato ko na lang pataas yung balat, bahala na kung saan lumanding.

The moment I tossed it in the air bigla namang bumukas ang pintuan at saktong lumanding yung balat ng saging sa ulo ni Blaze!

"Hahahaha! Ang galing mo Keira! Perfect Timing!" Sabi ni Raven habang tumatawa.

Tinignan ako ng masama ni Blaze. Akala ko ibabato nya sa akin yung balat ng saging pero kay Raven nya ito ibinato. Nanahimik naman si Raven bagay na ipinagpapasalamat ko.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon