Chapter 13: Romeo

264K 5.5K 181
                                    


Chapter 13:
"The re-appearance of Romeo. Wait? Who is he again?"


Dalawang linggo na din simula nung isama ako ni Blaze kahit saan sya magpunta. Natutuwa ako dahil nakakapunta ako sa kung saan saan pero minsan nakakaramdam din ako ng pagkabagot. Katulad ngayon, nasa office lang ako ni Blaze habang nasa meeting sya sa may conference room.

Hindi naman ako makalabas at makapaglibot dahil may bantay sa pintuan at kabilin bilinan ni Blaze na wag akong palabasin hanggat hindi sya ang kasama ko.

Habang nagpapaikot ikot ako sa swivel chair ni Blaze, napako ang tingin ko sa handbag na dala ko.

Hindi ko alam kung ano ang laman ng handbag ko, iniabot na lang kasi yun ng mga maids kanina bago kami umalis ni Blaze.

Binuksan ko yung bag para i-check ang laman nito at una kong napansin yung cellphone, iphone kasi ito. Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako nakakahawak ng iphone. Hindi ko din naman kasi afford yung cellphone na yun.

Pagbukas ko sa cellphone, tumambad agad sa akin ang mukha ni Spade. Bakit may picture si Spade sa cellphone na ito tapos kasama pa ako?

That's when I realize something.

Binilhan nga pala ako ni Spade ng cellphone nung nagkita kami sa mall para daw ma-contact namin ang isa't isa. Kaso lang sa dami ng nangyari nakalimutan ko na yung cellphone, ni hindi ko na nga matandaan kung saan ko ito huling nailagay.

Sunod kong chineck ang messages at naloka ako lalo na nung makita kong nasa 300 plus na ang message na galing kay Spade. 

Spade:

Why won't you contact me? Pls magreply ka naman.

Okay. Madali naman akong kausap eh.

Keira:

Hello :)

Spade:

Thank god!

Anong nangyare sayo at bakit ngayon ka lang nagreply?

Demanding?

Keira:

Sorry. Busy lang :)

Spade:

Okay.

Pupuntahan kita ngayon.

Wait for me.

Pupuntahan nya ako? Teka hindi pwede! Baka magalit si Blaze, ang pagkaka-alam ko pa naman magkaaway silang dalawa.

Spade:

What floor are you in?

I'm already outside the building

Paano nya nalaman kung nasaan ako?

Keira:

Wag ka na tumuloy

Baka mapahamak ka lang.

Nandito si Blaze at madaming bantay sa labas

Sana naman natakot na sya sa sinabi ko. Since hindi na sya nagreply sa txt ko, kinalikot ko na lang ang cellphone na bigay nya. Nag-do-download ako ng apps nung biglang may kumatok sa may pintuan.

Binuksan ko ito at laking gulat ko nung makita ko si Spade. At ang mga kawawang bantay ko ay nakabulagta na sa likod nya.

He smiled at me then tuloy tuloy syang pumasok sa office ni Blaze na para bang wala syang ginawa. Umupo sya sa couch na para bang pag-aari nya rin ito.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon