Chapter 53: Reception

176K 3.9K 211
                                    

Chapter 53:
Reception.


Kakasabi lang ni Blaze na kahit na anong mangyari wag ko syang iwan pero sya naman yung bigla na lang nang-iwan. Bigla kasing dumating si Mr. Coltier at pagkaupo nya sa upuan na nasa tabi ko bigla na lang silang umalis. By 'sila' ang tinutukoy ko ay sina Blaze, Raven at Ann Dee na wala ng nagawa nung bigla na lang syang hilahin ni Raven. What should I do? This is awkward.

"How are you doing my dear?" Basag ni Mr. Coltier sa katahimikan.

"O-okay lang naman po" medyo nauutal na sagot ko.

Kinakabahan ako lalo na at nakaka-intimidate syang kausap not to mention the fact that he is the 'top mafia boss'.

"Don't be too stiff dear, starting today you are already a part of my extended family so treat me like I am part of yours"

"O-okay po"

Kahit na sabihin nyang wag akong masyadong maging stiff, hindi ko padin maiwasan ang hindi kabahan. Mukha naman syang mabait pero hindi ko pa naman sya ganun kakilala para magtiwala ako kaagad. Pagkatapos nun muli na naman kaming nabalot sa katahimikan.

"May I ask you something Keira dear" basag ulit ni Mr. Coltier sa katahimikan.

"A-ano po yun?" Kinakabahang tanong ko? Paano kung tanungin nya ako tungkol kay Zoe? Hindi ko alam ang isasagot ko lalo na at hindi pa naman kami okay ng anak nya.

"Naging masaya ka ba nung araw ng kasal nyo ni Blaze? Are you happy with him?"

Nakahinga ako ng maluwag, for a minute there I thought kokomprontahin nya ako tungkol kay Zoe. Pero napaisip ako sa tanong nya. Masaya ba ako nung araw na yun?

Hindi ko masabi kung masaya ba ako, kagagaling ko lang kasi sa sakit nun at hindi ko pa masyadong kilala si Blaze nung mga panahong yun. Ni hindi ko nga alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya that time at bigla nya na lang akong pinakasalan. Pero hindi na yun kailangan pang malaman ni Mr. Coltier.

"Masaya naman po" pagsisinungaling ko.

No matter what I felt before, it's all in the past, ang mahalaga ay yung nararamdaman ko ngayon.

"Good, because I will kill him if your not" seryosong sabi ni Mr. Coltier.

Puno ng pagtataka ko syang tinignan. Did he just mention killing my husband? Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin pa sya dahil tinawag na sya ng emcee para sa father and daughter dance. Tatanungin ko na lang siguro sya kapag nagkaroon kami ng pagkakataon sa susunod.

Nagsimula na silang magsayaw. Mukhang ang saya saya ni Zoe habang nagsasayaw silang mag-ama. Naiingit ako, pangarap ko din kasi dati na maisayaw ako ni papa sa kasal ko pero hindi na nangyari yun dahil kinuha na sya sa itaas.

Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa ibang direksyon para hindi ko sila makita at hindi ako makaramdam ng inggit. Habang pinagmamasdan ko ang kapaligiran, nakita ko yung pink na wedding cake ni Zoe at medyo napakunot ang noo ko nung mapansin ko yung waiter sa tabi nito na parang masama ang tingin sa akin.

Lumingon ako para makasiguro kung ako ba talaga ang tinitignan nya. Baka kasi assuming lang ako at yung tao talaga sa likod ko ang tinitignan nya ng masama pero sa kasamaang palad wala ni isang tao sa likuran ko.

Muli ko syang tinignan at hanggang ngayon ang sama padin ng titig nya sa akin. Dapat na ba akong kabahan?

Medyo natatakot na ako kaya nung hindi na ako nakatiis, tumayo ako at umalis sa pwesto ko. Naglibot libot ako sa venue ng reception pero ni anino nina Blaze, Raven at Ann Dee ay hindi ko nakita. Nasaan na ba ang mga yun?

Malapit na akong mawalan ng pag-asa nung makita ko yung isa sa mga men in black ni Blaze na palagi nyang kasama.

"Excuse me, nakita nyo po ba sina Blaze or Raven?" Magalang na tanong ko.

"They went inside Madame"

"Thank you po"

Dumiretso ako sa loob ng mansyon para hanapin sina Blaze. Naglalakad ako sa hallway nung makita ko na naman sya. Nakatayo sya sa dulo ng hallway at masama parin ang tingin nya sa akin. What the heck is wrong with that waiter?

Wala akong pake kahit naka-heels pa ako, I ran as fast as I could. I don't think this is normal behaviour.

"Blaze nasaan ka ba? Please help me" I silently pleaded while I run.

Pagliko ko sa hallway nakita ko yung pintuan ng library, agad akong pumasok dito para sana magtago pero agad kong napansin na may ibang tao sa loob.

Nakita ko si Blaze sa may gilid, natatakpan sya ng shelf kaya hindi ko makita ang kabuuan nya. Tatawagin ko sana sya pero natigilan ako dahil may bigla na lang nagsalita.

"Let's end this now Blaze"

Kung hindi ako nagkakamali, boses yun ni Spade. Dahan dahan akong lumapit pero nagtago ako sa isa sa mga malalaking shelf para hindi nila ako makita.

Magkaharap si Blaze at Spade. Pareho din silang may hawak na baril. Balak ba nilang magpatayan dito za library?

"Nakapagpaalam ka na ba sa mga mahal mo sa buhay Spade?" Nakakaloko ang ngiting tanong ni Blaze.

"Ikaw, nakapagpaalam ka na ba kay Keira? Wag kang mag-alala aalagaan ko naman si Keira pati na din yung magiging anak nyo"

"Spade you stupid fuck" galit na sigaw ni Blaze.

Bago pa nila maisipang tuluyang patayin ang isa't isa lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Mukhang nagulat sila pero mas nagulat ako nung makaramdam ako ng matinding kirot sa bandang balikat ko.

I hope this is not what I think it is.

Did they pull the trigger? Hinawakan ko ang balikat ko. Bakit parang basa? Tinignan ko ang kamay ko at nakakita ako ng dugo dito. Oh no.

I saw Blaze and Spade run towards my direction. Nakakatawa lang kasi kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila pero nagagawa padin nilang tignan ng masama ang isa't isa.

Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko, napaluhod na ako sa sahig. Unti unti na ding nagdidilim ang paningin ko.

"B-blaze"

Sinubukan kong tawagin ang pangalan nya pero hindi ko alam kung narinig nya ba ito o hindi dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-This chapter is dedicated to:
ianeAreza

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon