Napatingin ako sa orasan at nakitang 9:20 na. 11:30 ang simula ng hearing kaya may iilang minuto pa kami bago umalis. Lumabas na si Ken sa kusina dala-dala ang tumblr ko na may lamang kape at kasabay non ay ang pagpasok nila Dave sa loob ng bahay.

"Good morning Atty." Bati ng apat sa akin at niyakap ako. Sa nakalipas na mga buwan ay mas lalong napalapit ang loob ko sa mga kaibigan ni Ken. They treat me as their sister and I looked up to them as my brothers.

Hindi ako makapaniwala na sa halos limang buwan ko sa paghawak ng kaso na ito ay makakatagpo ako ng bagong pamilya. Nagtago kami sa kakaibang paraan at sa hindi inaasahang pagkakataon. Pero itong pamilyang ito ang bumuo sa akin at nagparamdam ng walang katapusan na saya at pagmamahal.

"Good morning." I greeted them back. Sumunod naman na yumakap sa aking dalawang kapatid ni Ken.

"Good morning Atty., ang ganda mo po." Saad ni Khloe at hinalikan ako sa pisngi. Gaya ng kuya niiya ay sobrang sweet rin nito.

I smiled at her and pinched her cheeks. "Thank you. Maganda ka rin Khloe, tandaan mo yan." Saad ko sa kaniya. Kumindat lang siya sa akin atsaka lumapit sa kuya niya na kausap na ngayon ang mga kaibigan niya.

"Atty. alam kong maipapanalo mo itong kaso na 'to. I'm rooting for you. We're rooting for you." Nakangiting saad ni Katrina atsaka ako niyakap ng mahigpit. I hugged her back and kissed her cheeks.

"Thank you, Kat. I will not fail you." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at sumunod kay Khloe na nasa kusina na ngayon kasama sila Paulo.

"Handa ka na Mia?" Tanong ni Dave ng maiwan kami sa sala kasama ang mga magulang ni Ken at si Ken. Tumango ako sa kaniya atsaka bumaling sa magulang ni Ken.

"Handa na akong ipanalo ito Tito, Tita. Para sa inyo at kay Ken ito." Sagot ko at matamis na ngumiti sa kanila.

Naluluhang lumapit sa akin si Tita Mylene at niyakap ako.

"Maraming salamat Mia. Hindi ko alam kung anong gagawin namin kung hindi ka namin nakilala." Saad nito at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Anak, ang swerte mo kay Atty." Narinig kong saad ni Tito Danilo. Humiwalay naman sa akin si Tita Mylene at saka ngumiti ng tumabi sa akin si Ken at pinalibot ang kamay niya sa bewang ko.

"Alam ko pa." Sagot nito at pinatakan ng halik ang sintindo ko. Mahina ko naman siyang kinurot dahil sa hiya.

"Kumain na po ba kayo Tito, Tita?" Tanong ko sa mga ito. "Kain po muna kayo bago tayo bumiyahe papunta sa korte." Saad ko sa kanila. Tumango naman sila at sinabayan si Ken sa paglakad papasok sa may dining area.

"Ikaw Dave?" I asked Dave. Umiling lang siya sa akin at naupo sa sofa para manood ng T.V.

"I don't feel like eating. Saka na pag nasa kulungan na yung mag-ama na 'yon." Sagot niya sa akin at kinindatan ako.

Tumawa naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi na ako sumunod sa kusina at hinayaan na lang si Ken na sulitin ang oras na makasama ang mga kaibigan at ang pamilya nito. Magkatabi kaming nanood ni Dave ng isang morning show dahil tapos na ang balita.

It was around 9:40 ng lumabas ng kusina sila Tita Mylene at Tito Danilo. Nasa likod nila sila Liam at Dustin na kausap ang dalawang kapatid ni Ken. Habang si Ken naman ay nahuling lumabas dahil kausap pa nito sila Jake at Paulo.

"Oo dre kaming bahala. We'll keep you updated." Narinig kong saad ni Jake at tinapik ang balikat ni Ken.

Tumayo na kami sa pagkakaupo at agad akong lumapit kay Ken. May inabot muli ito sa akin na tumblr na ang laman naman ngayon ay tubig na may hiniwang lemon.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now