c h a p t e r s i x

Magsimula sa umpisa
                                    

"Madali lang naman pala e 'di tanungin mo si Ched."

"Ha?"

Inihagis niya ang sigarilyo sa may paanan namin saka ito dinurog sa ilalim ng kanyang itim na sneakers. He looked at me with complete boredom and disinterest. Maganda sanang tingnan ang itim na itim niyang mga mata na may mahahabang pilik kung hindi ako nagngingitngit sa galit at poot.

Tumayo siya at umunat habang naiwan akong nakatingala at nakanganga pa rin sa kanya. "Sabi ko, tanungin mo si Ched." Irritation was rich and obvious in his tone. "Pareho lang naman kami ng trabaho kaya kaya niya ring gawin 'yong gusto ng socialite mong kliyente."

Kasabay nang pagbilis ng kabog ng aking puso ang pagtaas ng altapresyon ko. "Teka lang ha." Natatawa akong tumayo. He was a foot taller than me, but I kept my chin up kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko sa galit. "Ano bang problema mo sa 'kin ha? Maayos naman akong nakikipag-usap sa 'yo. Hindi naman mahirap 'yong pinapagawa ko. Portfolio lang! Wala pa namang actual labor pero maski 'yon 'di mo kayang pagbigyan, may bayad naman! Hindi pa nga sigurado na magugustuhan ni Tito 'yong mga gawa mo 'tapos ayaw mo na? Ganoon ka ba ka unattainable? Ano tingin mo sa sarili mo, hari?"

Naiiling siyang tumawa sa akin. Kung kanina ay wala siyang pakialam, right now he looked like he was burning with fury and agitation. Paulit-ulit ang ginawa niyang pag-iling as if he couldn't believe what I just said; as if he couldn't believe me.

"Hindi mataas ang tingin ko sa sarili ko," he said through gritted teeth, flashing me a burning glare that could set fire all over my skin. "Sadyang ayaw lang kitang katrabaho."

"Wow!" Amused, I made a show of clapping slowly in front of him. Eskandalosa na kung eskandalosa! I didn't care! "'Yan ba ang hindi mapagmataas?" I motioned my hand up and down his body. "Porket ba madami kang sikat na kliyente hindi mo na tatanggapin ang project na offer ko na pakikinabangan din ng studio niyo at ng mga katrabaho mo? Looks like to me that you're putting your pride and selfish beliefs first before the benefit of everybody else. Hindi ba mapagmataas 'yon, Theo?"

"Hindi mo 'ko kilala," may diin at halong bababala niyang sabi. "'Wag kang magsalita na para bang nasukat mo na ang buong pagkatao ko sa ilang beses nating pag-uusap. Kung wala akong pakialam sa mga kasama 'ko, hindi ako papayag na maliit na commission, tips, at sweldo lang ang nakukuha ko sa bawat project na pinapagawa sa 'kin. At kung pagiging mapagmataas lang ang pag-uusapan, dapat tingnan mo rin ang sarili mo. Ikaw na nga ang may kasalanan sa 'kin pero ikaw pa 'tong mayabang na para bang utang na loob ko pa na bumili ka ng maraming papel kapalit ng nabasa mong plate. Ni hindi mo nga kayang mag-sorry. Kung wala ka pang kailangan sa akin, hindi mo pa magagawa ang makiusap at umakto ng mabait."

Halo-halong galit, sakit, pagkadismaya at hiya ang naramdaman ko nang marining ang maaahang na mga salita mula sa mga nanginginig na labi ni Theo. I wish I could pretend that his words didn't affect me nor made me feel as if I was stripped bare and exposed with my sins tattooed all over my body. Pero hindi makapagsinungaling ang mga luhang nagsimulang mabuo sa gilid ng aking mga mata.

The tears held the truth in them; the tears knew he was right.

"Kung ayaw mo, e 'di 'wag!"

Nanatitli siyang nakatayo sa harap ko. He stopped glaring at me a good minute ago, halatang hindi na siya galit pero hindi man lang mababakas sa guwapo niyang mukha ang kahit anong bahid ng pagsisisi habang nakatitig siya sa naluluha kong mga mata.

"Kausapin mo si Ched o kaya maghanap ka ng ibang artist. Kung wala pa ring mangyari, saka ka na lang bumalik sa 'kin."

And with that, he turned to head back inside and left me fuming again.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon