"Why? Hindi ba't close naman kayo at lagi pa ngang updated sa isa't isa. She's beyond girlfriend material pa nga, eh. Is it true that sometimes she would run your errands for you?"

I saw how Apollo smirked at that. Tang inang mga lalaki talaga, oh. Kung meron man akong isang bagay na natutunan iyon ay mas masakit uminsulto ang mga lalaki kesa sa mga babae. Kapag may kaaway kang babae at chinismis ka ay keri lang naman. Pero kapag lalaki at chinismis ka pa sa mga kaibigan niyang lalaki rin, naku, mas solid yung damage.

"Most of the time."

"Talaga? So you can say that you're dependent on her?" I probed.

"Uhumm." He nodded. Parang inisip niya pa.

"Pero hindi mo magawang magustuhan? Or even consider as a possible partner?" Pinipiga ko si Kuya ngayon dahil natanto kong kulang ako ng perspective ng isang lalaki. I am surrounded by women and gays. May iilang lalaki pero hindi naman umaabot sa ganitong kalalim na usapan.

"I don't want to risk our friendship by gambling with that, Aps. Mas mabuting kaibigan lang para nandiyan pa rin siya." Aniya. Aww. My brother likes to play it safe. Poor, Claire the chararat.

"But your indifference would also affect your relationship with her eventually, Kuya. She likes you. And you can't be both dependent to Claire and dating another girl. That should all be just for one girl."

Apollo chuckled as if I'm crazy. Hindi siya sumagot. Ayan, kaya todo tutol sa mga lalaki ko dahil ganun rin ang gawain niya. Player din ang damuhong ito.

"So if you can't see Claire that way then it would be very nice of you to stop depending on her if you don't have plans with her. Doon ka sa mga babaeng kinakalantari mo magpa-tulong sa mga gawain mo."

Kunot noong lumingon sa akin si Kuya at umigting ang panga. Umiwas din naman agad ng tingin.

"That's hard." He answered.

Iyon lang at wala na siyang sinabi pa hanggang sa nakarating kami sa bahay. Hindi na rin ako nag-salita pa. It was enough male perspective for me. Ganun pala talaga sila. Nature nilang hindi mapirmi sa iisang babae. They like to explore. Poor men.

Hindi na namin naabutan si Daddy sa dinner dahil maaga itong natapos kumain at medyo na-late din kami. Si Mommy naman ay kahit tapos nang kumain ay nanatili para kamustahin ang araw ko.

Tulala ako habang nag-bihis ng pajamas ko. Kuya seemed to find it hard being not dependent on Claire while playing with other women. Na kahit hindi niya nakikitang girlfriend material si Claire ay hindi niya rin nakikita ang sarili niyang wala ito at nagpapakabaliw sakaniya. Dependency.

My mind finally brought up the person it has been serving for since I laid my eyes on his hot picture in that damn dating app.

Tyson never stayed with a girl for more than a week. He's accustomed to changing them constantly, whenever he desires. And that would be a solid proof that he's dependent to no one. Wala siyang taong inaasahan dahil hindi niya naman ito binibigyan ng pagkakataon. Shit. What a wise play boy. Really ruthless. Wala siyang sakit sa ulo dahil hindi naman siya gumagawa ng rason para magkaroon.

The night ended with me realizing how weak of a playboy my Kuya is compared to Tyson. Tyson is another level.

Mabilis lumipas ang isang linggo at hindi ako nagkaroon ng chance na pumuslit para huntingin si Tyson dahil na-overwhelmed agad ako sa rami ng school works ko. Nakaka-sabay ko na si Claire minsan tuwing lunch at binabalitaan niya rin ako kung nasaan si Tyson. At sa buong unang linggo ko roon, hindi pa na-ulit ang laro nina Tyson sa Blue Eagle Gym.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Where stories live. Discover now