Prologue

37 7 8
                                    

Never forget those people who's with you in the first place.

Celebrate the success of other people.

Clap on the other success while you're waiting for your time.

I elegantly clapped my hand and warmly smile as I celebrating our first coffee shop here in the Philippines.

May lumapit sa aking isang matandang lalaki kaya nakipagkamayan ako rito. "Your Dad must be proud of you, Hija. You have your businesses in different countries without the help of your father."

Maliit lang akong ngumiti sa kaniya, nakaramdaman ako ng lungkot kasi wala si Dad dito para makita ang bagong bukas kong coffee shop dito.

Nakipag-usap lang ako saglit sa mga Businesswoman and Businessman na mga customer namin ngayon then tumulong ako saglit sa mga barista ko dahil mukhang madami ang customers namin ngayon.

After an hour doing those, nagpahinga ako saglit sa aking small office. My phone keeps on alarming kaya I answered it, and it was my secretary who is calling me right now.

"Miss Allison." Panimula niya.

Nangunot ang aking noo bago ko binaba ang coffee ko sa aking table. "Yes? Mandy, why did you call?"

"Uhm, gusto po ni Sir Zion na sumabay ka raw pong mag dinner sa kanila mamaya."

Napabuntong hininga na lang ako bago muling magsalita. "Okay. Tell dad na pupunta ako after I finished my work." I ended the call.

Bago ako lumabas sa aking office ay tinapos ko muna ang tina-type ko sa aking laptop. Tahimik ang mga customers na umiinom ng kanilang kape at kumakain ng kanilang cookies or cupcakes. May iilang nag l-laptop, nagbabasa ng libro galing sa aking shelves, at may iilang nakikipag-usap sa kanilang mga katabi.

Kinausap ko saglit ang isang barista tungkol mga desserts. "Mabilis lang pong naubos ang muffins natin, nagsisimula na rin pong mag bake si Rachel."

Tinanguan ko ito at iniwan na para pumunta sa kitchen. Tutulungan kong mag bake si Rachel dahil nandito na rin naman ako ngayon at walang masyadong ginagawa.

Nakitang kong pinapasok na ni Rachel ang kaniyang ginawa sa oven. Nakita ko ang isang itim na apron kaya isinuot ko iyon at nagsimula na.

"Ay, Ma'am! Baka madumihan ang damit mo."

Mahinang tinawanan ko lang ito. "Naka apron naman ako, at kapag nadumihan may pamalit naman ako." Lumabas ako saglit para kumuha sa storage room ng mga chocolates.

Nakasalubong ko ang isang lalaking may dalang parang gym bag pero dahil nakasuot ito ng cap ay hindi ko na siya pinansin. Mukhang hindi naman ako napansin ng lalaking iyon dahil nakatingin ito sa kaniyang sariling cellphone.

Pumasok ako sa storage at naghanap ng chocolates. Nang makuha ko na ang mga chocolates na hinahanap ko ay lumabas na ako para pumunta sa kitchen.

Habang naglalakad ako ay may biglang kumuha ng dala kong chocolates kaya saglit akong nagulat pero nawala rin iyon nang nakita kong si Yuan pala ang kumuha.

"Hindi mo sinasagot tawag ko kaya pinuntahan na kita dito baka kasi napadami customers niyo kaya nakalimutan mo sagutin." Pagdadaldal niya.

"Naiwan ko sa office 'yung phone. Tapos na ba photoshoot mo?" Tanong ko rito habang tinutulak ang pinto ng kitchen.

Silhouette of Promises (Chasing the Escapades Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon