Chapter 4

19 3 2
                                    

Hapon na nang makapunta kami sa VDL café kasama ang ibang mga kaibigan ko. Si Jeanne ang kasabay kong pumunta sa café nang matapos ang klase. We're in the same grade level.

"Birthday ni Ate Jessica sa Thursday. Invited ka raw. Attend ka ah!" sabi sa akin ni Jeanne habang nasa kalagitnaan kami nang paglalakad.

"Debut niya sa thursday?" I asked habang binubuksan ko ang door ng café.

Kumaway si Rio sa may dulong bahagi ng café kaya dumeritso kami ni Jeanne sa table nila. Naupo ako sa tabi ni Sky, napapagitnaan nila ako ni Irene. Kami kami lang ring anim ang narito ngayon dahil gabi matatapos ang klase ng iba o hindi kaya ay may pupuntahan pa.

Si Rio ang nag order ng para sa amin ni Jeanne at Si Sky naman ang nagbayad sa lahat ng kinain namin.

"Guys, nga pala, invited kayo sa debut ni Ate!" pag-announced ni Jeanne.

Humigop ako sa iced coffee na hawak ko habang nakikinig kay Jeanne. "Saan gaganapin?" tanong ni Rio habang ang dalawang siko ay nasa table.

"Sa The Zions," sagot ni Jeanne sa tanong ni Rio.

Umuwi na kaagad ako matapos ang bonding kasama ang mga friends ko sa volleyball. Tahimik ang buong bahay nang makauwi ako kaya inilibot ko muna ang aking mata sa buong sala bago tumawag ng kung sino sa bahay.

"Manang?" pagtawag ko matapos kong magpalit ng aking asul na tsinelas.

Lumabas naman si Manang galing sa kusina. "Oh, Allison. Nakauwi ka na pala, anak? Halika na sa kusina at kumain." Umiling lamang ako saka tinignan ang second floor kung na saan ang kuwarto ko. "Gusto mo bang magpahinga muna?" pagtatanong ni Manang nang mapansing pagod ang mga mata ko.

"Manang, is Mommy home?" I asked.

Umiling lamang siya. Kinuha niya ang bag ko, at isinukbit iyon sa kaniyang balikat. Pinauna niya akong maglakad at susunod na lamang daw siya.

Nagising na lang ulit ako galing sa dalawang oras kong pagpapahinga. Mommy is still not home yet. Bumangon ako at nag-ayos, seven pm na ng gabi kaya kailangan ko na kumain.

Kinuha ko ang highlighter, ballpen at ang notes ko sa aking bag. Kinuha ko na rin ang phone ko saka sinarado ang door ng room ko.

Habang pababa ng hagdan ay tinawagan ko ang secretary ni Daddy. "Hello, Miss Allison?"

"Can you find me a dress, Sazha?"

"When do you need it, Miss Allison?" agad na tanong nito.

Tinignan ko ang schedule ko. I need this kind of notes for my schedules, lalo na at gusto kong palagi akong productive. "This Thursday. Just find me a white dress. I need to attend my friend's debut."

"Miss Allison, Sir Zion wanted to talk to you." She said then cleared her throat.

Narinig ko ang boses ni Daddy, at mukhang siya na ang may hawak ng telepono ngayon. "Why are you calling at this hour?" Daddy asked.

"I need something to wear to my friend's birthday. I don't have time to go to the mall so I called Sazha, Dad."

Pagkarating sa sala ay naabutan ko si Mommy na umiinom ng wine at nakasuot ng kaniyang itim na roba. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi, "I'm on the call right now, Mom." I murmured to her when she was about to talk something to me.

Iniwan ko na siya sa sala at pumunta na ako sa kusina kung saan nakita ko si Manang na may ipinapasok sa refrigerator.

"Okay. I told Tori about the dress, siya na ang bahala sa dress mo, she knows someone. I'll gonna end this call, we have another meeting." Dad end the call already kaya lumapit na ako kay Manang.

Silhouette of Promises (Chasing the Escapades Series #2)Where stories live. Discover now