Chapter 5

18 0 0
                                    

Umalis na ako sa bahay nang tumataas na ang araw. Mamaya pang gabi siguro makakauwi si Mommy.

Pagkarating ko sa gym ay nakita kong nagsisimula na silang mag morning jog kaya inilapag ko sa may bench ang crossbody bag ko, mukhang na late ata ako ngayon ng thirty minutes dahil sa pagiging lutang ko habang naglalakad.

Bakit kasi ang dami kong iniisip habang naglalakad?

Kinuha ko na ang knee pads ko at isinuot iyon. Pagkatapos kong maisuot ay tumakbo na ako sa court. Si Coach ay maaga na namang nagsisigaw ngayon kaya ginawa ko na lang ang dapat kong gawin.

I jumped mid-air and set the ball to Jeanne. She spiked the ball I tossed against the two blockers blocking her. Hindi na receive nang maayos ng kabila kaya na sa amin ang puntos. Lamang kami ng dalawa kaya nag focus lang kami nila Jeanne sa buong court.

"Mine," sigaw sa loob ng court. Pagod kong ipinasa ang bola kay Jeanne at malakas niya iyong pinalo sa likod ng front line.

I squat habang pinapanood ang kabila na mag serve, I watched them with my narrowed eye. Pinunasan ko pa muna ang pawis ko saka ako tumakbo pabalik sa setters position.

Ito na rin kasi ang huling practice namin na halos araw-araw. Need kasi naming mag focused for our academics kaya tuwing sabado at linggo na lang kami mag p-practice simula ngayong buwan. We need to study kasi lalo na at nalalapit na ang examinations. I agree to Coach na every weekend na lang muna kami mag p-practice by this week kasi sobrang hectic ng sched namin this month dahil sa acads, hindi rin naman namin puwedeng i-excuse iyon.

Ako na ang nasa service position ngayon. I straightened my hand saka ko binato ang bola sa ere at tumalon, malakas kong napalo ang bola kaya malakas ang impact non nang ma recieved ni Klea. Mabilis akong tumakbo pabalik sa position ko at pinanood ang bola na nasa ere.

Mahuhulog na sana ang bola nang mabilis na nasalo ni Gianna iyon kaya agad akong nag backset kung na saan si Jeanne ngayon. Ah! Nakakainis ang pagiging lutang ko ngayong araw. Muntikan nang mahulog ang bola sa net namin pero muling na recieved iyon ni Gianna.

Nanalo kami both set kaya nang matapos ang practice ay sabay-sabay kaming lahat na nag stretching. Napag-alaman ko na may tatlong oras na vacant kami ngayon, dapat isang oras lang kaso nagkaroon ng meeting ang mga Teachers namin at hindi rin na extend ni Coach ang practice. Nagbalak na lang akong umuwi dahil mahaba pa naman ang oras na vacant.

Actually inaantok pa talaga ako. Buti na lang nakayanan ko sa practice kanina, ang dami ko ring mistakes habang naglalaro kaya ilang beses akong napagsabihan ni Coach ngayong araw.

Nasa parking lot na ang sasakyan kaya mabilis akong dumeritso roon pagkatapos namin mag-usap ng mga teammates ko.

"Wala pa rin si Mommy?" agad kong tanong nang makapasok ako sa sasakyan.

Umiling ang driver. "Wala pa, Ma'am. Pupunta pa ba tayo sa VDL Café?"

Umiling na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Nag text na rin ako kay Manang na uuwi ako ngayon kaya sinabi niyang paglulutuan niya ako ng makakain. She texted na menudo raw and super excited ako actually kasi ngayon lang ulit ako makakatikim ng Filipino dish kaya hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nakatingin sa mga daliri ko, I already smell the food that Manang will cook for today.

Nakapasok na kami sa subdivision namin nang may napansin akong naglalakad sa gilid ng daan, ang uniform niya ay parehas sa uniform ng University namin. Pinanood ko itong naglakad.

Sinulyapan ko ang driver saka ko inalis ang suot na AirPods. "Is he new here?" pagtatanong ko habang turo ang lalaki.

Sinilip din niya ang lalaki at saka siya umiling. "Matagal na rito 'yan. Ngayon mo lang siguro napansin, Ma'am. Hindi ka rin po kasi madalas lumabas eh kaya siguro ngayon mo lang siya nakita."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Silhouette of Promises (Chasing the Escapades Series #2)Where stories live. Discover now