Chapter 2

34 5 8
                                    

Hinatid ako pauwi ni Yuan dahil hindi ako masusundo ngayon ng driver namin dahil kakailanganin daw ni Mommy ang iilang driver.

Sana man lang binigyan ako ni Mommy ng isang driver para may sumundo sa akin ngayon. We have 4 drivers at parang kulang pa, eh ipapasundo niya lang naman iyon sa mga plastic niyang kaibigan. Mas inuna niya pa ang mga kaibigan niya kaysa sa nag-iisang anak niya.

"Dito na lang ako bababa, Yuan." ani ko nang makarating na kami sa gate ng subdivision namin.

"Bakit? Nandiyan ba si Tita?" tanong nito habang ako ay nakatingin sa phone ko.

"Mommy texted me. Nandoon daw ang mga Amiga niya."

"Hatid ka na namin, maglalakad ka pa eh. At saka kumain ka rin ah baka mamaya wala ka na namang kain tsk tsk." natawa ako ng mahina.

Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay rinig ko na ang tawanan ni Mommy at ng mga kaibigan niya sa sala. Kaya nang madaanan ko sila sa sala ay tinawag ako ng isa sa mga kaibigan ni Mommy dahilan para lingunin ko sila at ngitian.

"Hi, Hija! Ginabi ka na ng uwi?" pagtatanong ng Mommy ni Yuan sa akin.

Tumayo ito at para mayakap ako. Nginitian ko siya pero hindi ang iba pang kasama nila. Plastic naman kasi ang iba sa kanila. Pinakita ko na lang sa kanila na pagod ako para hindi ako ulanin ng mga tanong.

"Ngayon lang po kasi natapos practice namin, Tita. Excuse me po, magpapahinga na po ako." pagpapaalam ko sa kanila saka tumalikod.

"Nakuha niya talaga ang pagiging sporty niya kay Zion! Hindi naman na ako magtataka, kahit nga ang mga galaw niya ay katulad na katulad talaga kay Zion. Your Daughter seems cold like her Father!"

Hindi ko na sila nilingon pa at nagtuloy-tuloy na lang sa paglalakad patungo sa aking kuwarto. Pinag-uusapan na naman nila ako. Pagkapasok ko sa purong cream brown kong kuwarto ay agad kong ibinagsak ang bag sa aking kama at dumeritso na lang sa walk-in closet para makapagpalit ng damit.

Nang makapagpalit na ako ay nilabas ko muna ang iilang notebooks ko para gawin ang homeworks para sa ngayong araw. Nang matapos ako sa gawain ko ay lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa kusina para makapag dinner na. Naabutan ko si Manang Leri na naglilinis.

Lumapit ako sa bar stool at naupo roon. "Manang, tapos na po sila Mommy sa ginagawa nila?" pagtatanong ko sa kaniya nang makita niya ako na umupo sa isang bar stool.

Lumapit ito sa akin at ipinaghanda na ako ng makakain. "Oo, 'nak. Kanina pa sila tapos. Umalis nga pala ang Mommy mo." susubo ng sana ako nang mapantig ang tainga ko dahil sa narinig pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at ipinagpatuloy ko na lang ang aking kinakain.

Saan na naman kaya pupunta si Mommy?

Tumayo ako sa aking inuupuan. "Matutulog ka na?" tanong ni Manang na may nag-aalalang tingin.

Tumango ako. "Opo, Manang. Hindi ko na po tatapusin kinain ko. Busog na rin po kasi ako."

Pagkapasok sa kuwarto ay pumunta na lang ako sa terrace at naupo sa circle hanging chair ko. My large windows lookin' so cute with the white comfy curtains.

Tulala ako sa madilim na langit. Sa madilim na langit ang buwan lamang ang tanging liwanag nito. Kailan ko kaya mahahanap ang magpapailaw sa madilim kong pagkatao?

Silhouette of Promises (Chasing the Escapades Series #2)Where stories live. Discover now