"Namumula ka diyan? Naiinitan ka?" Bigla akong nagising sa tanong nito. He took his handkerchief and hand it to me. "Magpunas ka nga."
Tinaggap ko naman iyon, I wipe my sweat off. Pagkatapos ay ininuman ang bottled water. Mas lalong nag init ang pakiramdam ko nang ininuman ko ito. Ngayon I shared an indirect kiss with him.
Wow! since when I became a perverted lady?
Ngumuso ako para matakpan ang ngiting gustong kumawala sa mukha ko. Naubos ang laman ng tubig pero nauuhaw pa rin ako.
"Leesha, samahan mo naman ako."
Natatarantang tinago ni Leesh ang cellphone niya at namumulang tumingin sa akin. Nagtaka ako sa inasta niya, she's like a kid caught sneaking at midnight for food.
"Bakit?" I asked. Umiling ito.
"W-Wala!" pasigaw nitong sabi.
"Okay!" I raised both of my arms as if surrendering. "Pero ayos ka lang ba?" tanong ko ulit.
"Oo," She looked away, she's paper white kaya naman ay halata ang pamumula nito. "Saan ka pupunta?" tanong nito, oo nga pala. Nakalimutan ko agad.
Winagayway ko ang empty bottle sa harapan nito. "Inuuhaw ako, let's grab a drink." aya ko.
"Sige tara!" Tumayo na kami, tinanong ko na rin kung magpapabili ba ang mga kaibigan ko, binigay naman nila ang mga gusto nilang pagkain.
Naglalakad kami palabas ng stadium ng harangan kami ng mga nagbabantay na Criminology students, palaging sila ang nagbabantay pag ganitong may event.
"Sa'n kayo pupunta?" tanong ng isa sa kanila. Tatlo silang nakatayo.
Ako na ang sumagot dahil nag iiwas ng tingin si Leesh. Tahimik lang ito which is very unusual. "Bibili lang po sana kami ng pagkain tsaka tubig." sagot ko.
Tumango ito, "Kung gusto niyong lumabas, ibigay niyo ang ID niyo." agad kong inalis ang ID ko sa ID lace at binigay iyon sa nakalahad niyang kamay. Leesh did not move kaya siniko ko ito.
"What?!" pabulong niyang sambit. Nginuso ko ang ID nito. "Give him your ID para makalabas na tayo."
Umalma ito. "Bakit? Binigay mo naman na ang ID mo, ayos na—"
"Miss, kung ayaw mong ibigay ang ID mo then you're not allowed to go out," singit ng nagbabantay. "Siya lang ang pwedeng palabasin. Iyon ang binilin sa amin, kaya yun lang ang susundin." tinuro ako ng Criminology student habang nagpapaliwanag.
Leesh has no choice but to give her ID too
"Ibibigay rin pala..." bulong ng Crim student na sigurado kong hindi narinig ni Leesh dahil nauna na itong naglakad.
"Thank you po, pasensiya na rin po sa friend ko!" sambit ko bago sinundan si Leesh. Patakbo akong bumaba sa hagdan. Nasa gitna pa lang ako nang may narinig akong sumigaw.
"Miss!" Hindi ko iyon pinansin. Naglakad na lang ako dahil baka matapilok ako at mahulog. Muli na naman akong nakarinig ng sigaw.
"Miss, sandali!" tumigil ako at liningon ang pinanggalingan ng boses.
A guy was running after me, sa pagtama ng sinag ng araw ay kumislap ang left earing niya. Paano kaya nakakasuot ito ng hikaw e bawal iyon sa school.
"Me?" I asked to confirm if he was indeed calling me. Tumango ito. Bakit naman niya ako tinatawag? Seryoso itong nakatingin.
"Bakit?"
Iniabot niya ang isang pirasong tela. "Your handkerchief," hawak niya ang panyo ni Conrad. Kinapa ko ang bulsa ko at wala nga ang panyo ni Conrad na pinahiram niya kanina. "—nahulog mo kanina." dagdag nito.
YOU ARE READING
The Only Exception
RomanceFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
Chapter 4
Start from the beginning
