04

1.1K 48 4
                                    

CHAPTER FOUR

"Hello?" Boses palang ng pinsan ko...nakakaramdam na ako ng kaba ngayon. "Who's this?" Napakagat ako sa labi ko.

"H-hi! S-si Empress i..."

"Damn! Wait!" Ilang segundo bago siya nagsalita. "You made me worried!" Pumikit ako dahil sa lakas ng boses niya. "Buwisit naman Empress!"

"Oo. Oo na... Let me explain! Okay?" Nilakasan ko rin ang boses ko. "Ganito kasi iyon... Aksidenteng mabitawan ko iyong cellphone kaya nahulog sa dagat. Sorry na...pero worried rin ako... Anong sabi nila mom?" Tumingin ako sa malayong dagat saka napakagat sa kuko ko.

I heard him sigh. "Ayon...hinahanap ka. Pinapahanap ka rin sa akin at sa mga pulis. Tutulungan ko sila..."

"Hep!" Sigaw ko. "Hep! Huwag please?"

"Pero kunwari lang iyon... Will you shut up and let me speak?" Rinig ko ang pagkairitado sa tono ng boses niya.

I rolled my eyes saka maarteng napahawak sa ulo ko. "Uggh! Okay..."

"Look...your parents and his parents, also him were that furious to look for you... So please! From now on... don't you dare to connect at your any social media accounts. Cause once you opened it... I'm afraid... they would do anything just to get you back... Kaya sana rin huwag kang masyadong labas ng labas diyan. Don't trust any people around you. Wala kang ibang ibang pagkakatiwalaan diyan kundi ang sarili mo lang." Natahimik siya ng saglit. Naintindihan mo?"

Napahawak ako sa noo ko at mahina iyong hinilot saka napapikit ako ng mga mata ko.

"Empress? Are you listening?"

"Couz. Natatakot ako..." Mahina kong bulong.

I heard him sigh. "Ako rin Empress. Natatakot ako para sa kalagayan mo. Pati narin si mom...nag-aalala para sa iyo. Pero kailangan mong patatagan ang loob mo diyan. Lalaban ka...kasama mo ako, ang mga magulang ko. Sige na. Tawag ako sa loob. Mag-iingat ka."

Iyon na iyon ay ibinaba na niya ang tawag. Hindi na ako hinayaang makapagsalita man lang, magpasalamat. I sighed before deleting that number on Captain Vonn's phone.

Hawak ko ang cellphone niya habang nakatingin sa malayo.

"Tawag ka ng daddy mo sa opisina niya, Ma'am."

I rolled my eyes. Kakadarating ko lang galing sa apartment ni Carrie eh. Tawag agad ako. Tumingin ako sa relo ko at kumunot ang noo ko. "Ang aga naman ng 8 a.m." Tumingin ako sa isa sa mga kasambahay namin. "Ang aga kaya? Sa tingin mo? Bakit ako pinapapunta doon?"

She shrugged. "Hindi ko po alam ma'am. Mas maigi nalang pong pumunta kayo roon at nang malaman niyo po."

Kung makapagsalita. Hablutin ko kaya buhok niya no?

Napatingin ako sa taas kung saan makikita ang maliit na office ni dad. I sighed before walking upstairs.

Nang tumapat ako sa pinto ng office ay kinakabahan na ako. Hindi na ako magugulat...dahil hindi naman kami ganoon ka-close sa isa't-isa.

Vonn Blake Hutton (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon