"You're late, Samillano!" ang bungad ng teacher namin sa Physics. I know ma'am. 

"Ikaw rin, Ms. Maceda!" galit nitong sambit, my eyes automatically wondered inside the classroom. Nakasalubong ng mga mata ko ang nanlilisik na mata ng nag iisang Conrad Wayne Valtierra. 

He's not smiling, nakita ko rin ang pag igting ng panga nito, he's tapping his fingers at his desk. Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

"Ms. Samillano!" Napabalikwas ako saka tumingin sa guro.

"Yes, ma'am?" Alanganin kong sambit. Shit! Hindi ba ako pinagtakpan ni Conrad?

"I said you may now sit, kung masakit ka pa, ay bakit ka pa pumasok?" nakahinga ako ng maluwang. I need to say my thank you to, Conrad later.

"It's fine ma'am, I can manage, besides may mag aalaga naman sakin dito ma'am."

"Anong aalagaan pinagsasabi mo, Itatapon ka namin sa ilog!" Rinig kong sambit ni Kirsten. Rinig ko ang pagsang ayon ng iba.  I only rolled my eyes to them, deretso ang lakad ko sa upuang nasa harapan ng nakasimangot na si Conrad.

"Hoy! sa'n ka na naman galing at bakit late ka?" Salubong ni Mei. Hindi ko siya pinansin saka tumingin sa harapan. Andun pa rin si Leesha, na nagpapaliwanag, pasensiya ka na God bless, Leesh.

"Eh ma'am, kasi nakasalubong ko po si Curns sa daan parang nahihilo kasi siya kanina, kaya tinulungan ko na muna." Palusot niya, hmm, sige na nga, tutal sinamahan niya naman ako kanina.

"Totoo ba ito, Ms. Samillano?" nagtaas ito ng kulay na tumungin sa akin. I did not think twice, I nodded three time to make it more convincing.

"Yes, ma'am." Sabi ko.

Bago pa sumagot si ma'am ay naramdaman ko na ang pagtama ng hininga sa buhok ko. I stilled, tumigil rin ako sa paghinga.

"You're such a liar, Curns Jasmine Samillano." May diin na bulong nito. Fuck! I'm dead, I think, I just get under his skin.

Alanganin man ay lumingon ako sa kanya, ngumiti ng matamis saka nag puppy eyes.

"Hi, Tangi!" Magiliw kong sabi, but deep inside me, I'm panicking.

"Don't tangi me."

"Hi, tangi!"

"Stop."

"Stop what, tangi?"

"I said, stop calling me, tangi."

Bago pa man ako makapagsalita ay pinitik na niya ang noo ko. What the? I did no see that coming. Sumimangot ako, siya naman ang ngumiti.

"Now, wait for your next subject teacher, good bye section Benz." Agad namang nagsitayuan ang kaklase ko, para pumunta sa sarili nilang buhay.

"Hoy, mais! Tangina mo naman agad, saan ka ba nagpupupunta at..." Hindi na naituloy si Mei ang sasabihin dahil nga tiningnan na siya ni Conrad ng masama. "Sabi ko nga, mamaya na lang." Saka umupo sa upuan niya.

"Now, explain." Sambit naman nito sa istriktong tono. 

I still feel so nervous, but I tried to explain my side even when I know he will not accept it. Rason palang kung bakit late ako ay di na katanggap tanggap e.

"Eh kasi, tangi—" he cut me off.

"Don't tangi me!" naiinis nitong tugon.

"Oh edi baby!" sambit ko naman

"Isa, Curns, tatamaan ka na sakin." He warned so I settled myself and my shits.

I bit my lip, and then pinch my left arm."Eh, kasi.." hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil pinigilan niya ulit ako.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now