Kabanata 2

0 0 0
                                    

Kabanata 2:Ang Pagbabalik Ng Señorita

Amelia's Pov:

Marami akong naririnig na mga nag-uusap hindi ko alam kung sino sila.
Ngunit nakakasigurado ako na wala ako sa bahay namin.

Nasaan nga ba ako?

Bakit kaya hindi ko maigalaw ng maayos ang aking mga paa at kamay?

Nahihirapan din ako ibuksan ang aking mga mata.

Ano nga ba nangyari sakin?

"Silencio!Hindi nyo ba nakikita na mahimbing ang tulog ng ating señora?"isnag boses ng matanda
ang nagpatigil sa ingay na narinig ko sa loob ng kwarto.

Tama nga ang hinala ko.Isa nga itong kwarto ngunit para saan naman?

At s-sino ang tinutukoy niyang señora?

"Patawad Madam Armana.Hindi na po mauulit ang kanilang ginawa sa harapan ng ating señorita"

"Opo patawarin niyo po sana kami Madam Armana"

Takang- taka ako ngayon dahil,takot na takot sila sa pangalan na Armana?

Hindi ko alam kung ito ba ay konektado sa aking nakaraan.

Ngunit sa aking naalala ay isang matandang babae ako humehele
sa aking pagtulog.

Masyadong malabo ang mukha ng taong kumarga saken.Ang gandang pakiggan ng kanyang mga awitin.
Tiyak na kung sino man-

Na bigla ako ng unti-unti na wawala
ang alala at ang matandang babae na humehele sakin.Hanggang sa itim nalang abg lahat ang nakikita ko.

N-nasaan na?Bakit nawala ito?H-hindi baka hindi ko na iyon muling maaalala.

Sa labis ng aking pagkagalit ay
hindi ko alam kung ako pa ba o may ibang tao na nagpapagalaw sa aking katawan.

Nabuksan ko na muli ang aking mga mata.At nahanap ko sa tabi ko ang isang vase, isang vase na punong-puno ng bugkos ng mga pulang rosas.

Hindi ko alam kung bait pero itong bulaklak sa mundo ngayon.Ang pinaka inaayawan ko at kinatatakutan.
B-bakit andito ito sa kwarto?
S-sila ba ay sasaktan nila ako?

Sa labis na takot ay hindi ko napigilang sabunotan ang aking sarili.
H-hindi nasaan nga ba talaga ako?
At m-mga itong pulang rosas.Nasaan nanggaling ito?
H-hindi ba nila na ito ang pinakatatakutan ko simula nung bata pa ako?
H-hindi maari...

"HINDI!PLEASE TAMA NA!"hindi ko na maiwasang sumigaw dahil sa sakit ng ulo ko at dulot ng pagkatakot at kung ano-ano pa man ang nararamdaman ko ngayon.

"Señora!Mariing kumalma ka muna.Shhh andito lang kami.Hindi kami aalis sa iyong tabi."may isang matandang babae ang yumakap sakin.At labis siyang nalulungkot dahil siguro sa aking pagsigaw kanina.

"Nasaan ako?A-at patawad hindi kita kilala.Ngunit,maari mo bang alisin ang mga pulang rosas malapit sa aking pinapahingahan?"utos ko rito.

"Sige po señora,masusunod po ang iyong kahilingan.Gusto nyo po ba ng makakain?"tanong sakin nito.Base sa aking pagoobserba ay kumalma na ang aking sarili.Dahil sa yakap na natanggap ko rito sa matandang babaeng kaharap ko.

Agad akong tumango dahil medyo mahina parin ang aking boses.At baka masaya lamang ito sa isip-isipan ko.
Agad namang niyang inutusan na sa tingin ko ay sila ay ang mga katulong dito.

.
.
.
Andito ako sa sariling kong hardin.At habang naglalakad kami kanina ni Armana ay marami siyang ikwento tungkol sa mga tunay kung mga magulang.Nabanggit niya rin na may mga kapatid ko matapos kung mawala ng napakatagal na panahon.
Tinanong ko si Armana kung ilang taong akong nawala sa mansyon.
Ayun sa kanya ay mahigit labing pitong taon,akong nawala at pinaghahanap sa buong mundo.

At sabi pa nga nya sakin hindi ipinaalam sa mga polisya ang pagkawala ko.Ang aking ina ang umasikaso sa lahat ng ako'y mawalay sakanila.Nagulat ako ng malaman ko na may mga dumukot sakin.Sila daw ay ang mga dating empleyado nila mama at papa.
Habang nag-uusap kami ni Armana ay naramdaman ko na biglang may tumakip sa mga mata ko.Nakakagulat para sakin at iniisip ko kung
sino ang taong tumakip sa mga mata ko.Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at ang kanyang paghinga.Naalala ko na takot ako sa dilim.
Hindi ko kayang matulog na walang ilaw.Kaya araw-araw bukas ang ilaw sa may kwarto ko.
Hindi ko ngalang alam kung saang lugar iyon?

"Hulaan mo kung sino ako."natigil ang pag-iisip ko ng malalim ng magsalita ang estranghero na nasa likuran ko.

Ang boses nya ay hindi gaano kalalim pero malalaman mo na isa itong binatilyo.
Kung pinapahulaan niya nga ako at siguro gusto niyang marinig ang sarili niyang pangalan.

"Uh hindi talaga kita kilala"tugon ko rito.Sa binatilyong tumakip ng aking mga mata.Makailang oras ay naramdaman ko na bumitaw na siya.
At unti-unti kong idinidilat ang aking mga mata.
Mabuti naman,hindi masyadong mainit rito sa hardin at habang naglalakad kami kanina ni Armana ay,nakita kung may mga takip naman pala na pinalagay dito.
Hindi ko lang siguro kung kanino itong hardin.

"She doesn't even know me anymore...Armana papuntahin mo dito si Doc.Galiago bukas para macheck nya yung mga sugat sa katawan ni Amelia."narinig ko ang lungkot sa boses ng lalaki na nasa harapan ko.Sa itsura nya palang ay tiyak ang lahat na babae ay mapapahiyaw sa kilig.
Ngunit sa unang pagkikitaan palang namin nito ay,nakaramdam ako ng kaunting saya.Saya na hindi ko maipaliwanag at may ka halong lungkot.

Sino nga ba talaga ang lalaki itong nasa harapan ko?
Ano ba ang papel nya sa buhay ko?
Sobrang naguguluhan parin ako ngayon,sa mga nangyayari.
Hindi ko batid,na mabilis ako makakarecover dahil sa kalagayan ko ngayon.

"Masusunod po Sir.Aries"sagot ni Armana sa nasa harapan niya.

Aries...

Aries...

Aries...

Parang may kung anong pumasok sa utak ko na nagdulot ng pagkirot muli nito.Agad naman akong napasabunot sa mga buhok ko.

Halika maglaro tayo doon sa hardin!

Pangako ko sayo Mia.Proprotektahan ka ni kuya.Come on!Give me hugs!

Ang cute mo cute mo talaga mainis.Hahahaha sorry na,hindi ko na po uulitin-

Matapos ang kakaibang nangyari sakin,isang alaala na nagpaita ulit sakin.Isang lalaki na bata at isang babae na katamtaman lang ang tangkad...Sino sila?

Sa sobrang sakit ng idinulot ng pagpapakita sakin ng alaala na kung kanino man ay,hindi ko na natiis na huwag mahimatay.Lumabo na ang aking mga paningin at hindi ko alam kung nakahiga na ako sa damuhan.
Pero,bago ako mawalan ng malay ay
nakita ko ang galit at lungkot sa mga mata ng taong alam kung kilala ako.
Ngunit,hindi ko siya kilala.


------------
SISTA_ISH:
Hi guys! Ngayon lang nakapag update sa chapter 2.Sorry not sorry masyado talagang busy ako sa school works eh.Pero still and until now.Marami parin gusto mabasa at ipagpatuloy ang pagbabasa nila sa mga na publish ko na mga libro.I just wanted to say thank you all!Hope you have good friday tom!!!

And yeah merry christmas sainyo!☆.

Don't forget to like and and vote, share my story^^
And please comment your reaction.Kung gusto niyo i message niyo nalang ako.
Charot lang oh siya sige na gogora na ang author niyo.

IPAGPAPATULOY:

AmeliaWhere stories live. Discover now