Kabanata 1

0 0 0
                                    


1:Sa Baryo ng Santa Clara

Third Person's POV:

Gabing-gabi na sa bayan ng Santa Clara ay lahat ng mga tao doon ay na sa kani-kanilang bahay na nila.Mahimbing ang mga tulog ng iba marahil sa kanilang takot dahil sa mga kaganapan nitong matapos ang pagkamatay ng kanilang pinuno sa baryo.

Sa kabilang street na man ay walang kaingay-ingay kang maririnig tanging mga ibon lang at hangin ang maririnig mo.At dito nakatira ang pamilyang Siargo.

Sa hindi kinalalayuan malapit sa eskinita ay mag-isang naglalakad ang dalaga sa madilim at sirang-sira na daan.Kampante siya at hindi man lang niya makaramdam ng talot dahil,sa sanay na siya at kaniyang pamilya sa mga nangyayari dito sa baryo.

Naka sando siyang itim at sa pangibaba naman ay naka sout siya na denim shorts hindi parin maiksi ito.Dahil may kahabaan rin ang kanyang suot.Wala kahit ano ang dala niya.Tanging telepono lang at Susi ng bahay ang kanyang dala-dala pati narin ang pitaka.

Malapit-lapit na siya sa kanyang destinasyon ng mahagip ng kanyang paningin na nakabukas ng unti ang gate ng kanilang bahay.Sa labas ay naramdam niya ang lamig at pag-ihip ng malakas na hangin.Kaya gininaw siya dahil nga wala man lang siyang dalang jacket o kahit anong pampawala ng lamig.

Agad nagtaka ang ang dalaga dahil hindi kinaugalian ng kanyang mga magulang na iwan lang basta ang kanilang gate. Dahil alam ng mga ito ang nangyayari sa kanilang baryo.
Kahit marami pa siyang katanungan ay naisipan niyang pumasok at siraduhan ang kanilang gate.

Nasa pintuan na siya ng makarinig siya ng sigawan at iyakan sa loob ng kanilang tahanan.Pinaramdaman niya muna ang kaniyang paligid bago buksan ang pintuan.Napahugat siya ng hininga na nakasirado kahit papaano ang pintuan.Sa pagbukas niya ay tumambad ang magulong mga kagamitan.Ang mga upuan ay sirang-sira na at ang mga kagamitan sa bahay ay nagkalat-kalat sa gilid at sa kung ano pang sulok sa kanilang bahay.

Ang nakabukas lang na ilaw ay doon sa may kusina.At sa iba ay wala na.Narinig niya ulit ang pag-iyak ng isang matandang babae.Kaya naisipan niyang tumago sa loob ng kubeta.Mahina lang ang kaniyang paggalaw upang hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Pagkasarado niya ng pintuan ay hindi niya binuksan ang ilaw sa kubeta.At ikinuha siya sa kanyang bulsa ang telepono niya.At dali-dali itong pinailawan.Tatawagan niya sana ang kanyang kaibigan ng may marinig siya.

Mga yabag na patunga sa baba.At sila'y nagmamadali na para bang may hinahanap din.Kaya naisipang niyang buksan ng unti ang pintuan at silipin kung sino man ang mga taong iyon.Nakita niya ang limang mga kalalakihan na nakasuot na puros itim.Pati sa kanilang kamay ay naka suot sila ng gloves itim din iyon.

Limang mga kalalakihan na hindi niya kakilala.At isa may ay mga armado sakanila at puros mga dugo narin ang kaniyang nakikita sa mga suot nito.Maraming mga dugo at halos hindi niya kayanin itong pagtuunan ng pansin.

Nakita niyang naglakad ang isang lalaki at muntikan pa siyang makapunta sa kubeta.Dahil nasa may gilid lang siya at nahaharangan siya ng isang pader.Kaya pasalamat siya doon,dahil hindi siya nahalata at nahuli man lang.Yung iba mga kalalakihan ay kanyang-kanya na silang punta sa kung saan sulok ng bahay.Nagtataka siya kung bakit andito sila?At kung bakit dugo ang nasa kanilang suot?At bakit sa kanila pang bahay mismo.

Dahil hindi naman sila mayaman,oo may kaya sila ngunit,sapat na iyon para makakain sila ng tatlong beses sa isang araw.Alam naman niya na mabait ang mga magulang niya.Alam rin niya na wala rin kaaway ang mga ito.Kaya kung bakit nalang ganito ang humantong sa kanilang buhay?

"Nathaniel,bakit wala dito yung babae?!lagot tayo kay boss kapag hindi natin 'yun dinala sakanya malalagot tayo nito!"patanong nung isang lalaki na,naka itim rin.Dahil siguro sa lakas ng boses niya.Ay sinamaan nalang siya ng titig nung kasamahan niya.

AmeliaWhere stories live. Discover now