"Okay." Maikling tugon ko sa kaniya at ngumiti. Inantay ko siyang mailabas ang sasakyan sa garahe bago ako sumakay sa passenger seat.

"Saan sasabay sila Liam?" Tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako saglit bago binuksan ang bintana at tinawag sila Paulo.

"Saan kayo sasabay?" Tanong nito kila Paulo.

"Kila Dave na lang." Sagot ni Paulo sa kaniya.

"Dustin, Jake dito na kayo sumabay sa akin. Sila Paulo at Liam na lang kay Dave." Saad naman ni Ken. Tumatangong naglakad papunta sa sasakyan namin sila Dustin at Jake. Nang makasakay sila sa likod ay pinindot ko ang busina ng sasakyan para tawagin ang atensyon nila Dave sa kabilang sasakyan.

Binuksan naman nito ang bintana at bumungad sa gawi namin si Ate Marie na nasa passenger seat.

"Oh, bakit nandyan ka sa passenger seat? Doon ka sa likod, tabihan mo si Liam. Hina mo naman." Pang-aasar ko kay Ate Marie. Tumawa naman ang mga kasama namin.

"Ah talaga ba Mia? Pakyu." Sagot nito pero bumaba pa rin ng sasakyan at pinababa si Paulo para palipatin sa tabi ni Dave.

"Ayan, dapat sinusulit mo na mga ganitong pagkakataon. Baka last na 'to." Pang-aasar ko ulit sa kaniya.

"Gago." Narinig kong sigaw niya bago isinara ang pinto. Humagalpak naman ako ng tawa bago bumaling kay Dave na tumatawa pa rin dahil sa pang-aasar ko kay ate.

"Drive safely." Bilin ko dito. Tumango naman ito sa amin.

"Kayo din. Ken, ingatan mo si Mia." Bilin nito. Sumaludo lang sa kaniya si Ken bago sinara ang bintana. Nauna kaming umandar kaya nasa likod lang namin si Dave.

Inihatid muna namin sila Liam sa restaurant nila at umorder ng makakain namin ni Ken bago bumiyahe papuntang law firm. Sila Dave naman ay nauna ng umalis ng makababa sila Liam at Paulo dahil ihahatid pa niya si Ate Marie sa university na pinapasukan nito.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko at humarap kay Ken.

"Hindi ako masyadong magtatagal ngayon sa trabaho. Siguro by 3 p.m. ay tapos na ako." Bilin ko sa kaniya.

"Okay, aantayin lang kita dito sa sasakyan." Sagot niya at ngumiti sa akin.

"Please mag-iingat ka. Kapag may napansin kang kakaiba sabihan mo agad ako at si Dave." Bilin ko muli. Ngumisi naman siya sa akin.

"Opo, ikaw din. Dalawa ang kalaban mo pagpasok mo sa loob. Kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong nito sakin. Umirap naman ako dahil sa tanong niya.

"Pag-untugin ko pa silang dalawa." Sagot ko sa kaniya. Napahagalpak naman siya ng tawa dahil sa naging sagot ko.

"Basta magtext ka pagpatapos ka na." Saad nito sa akin.

"Okay, bababa ako dito mamaya para sabay tayong kumain." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi.

I feel my cheeks blushed. Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko dahil sa ginawa niya. Shit ka Ken Vargas!

"Galingan mo Atty." Bulong nito sa akin at muling pinadaanan ng halik ang aking pisngi. Mahina ko siyang hinampas sa balikat dahil hindi ko na kinakaya ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay gusto na nitong umalis sa katawan ko at sumama na lang kay Ken.

"Hoy. Nakakadalawa ka na ha!" Sita ko sa kaniya para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.

"Gusto ko pa nga dagdagan eh." Saad niya at nakakalokong ngumisi sa akin. "Kaso baka hindi ka na makapasok kasi nagustuhan mo na." Dagdag pa niya.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now