c h a p t e r f o u r

Magsimula sa umpisa
                                    

Baka tama nga si Vince. I was really just that irrelevant.

I glared at Weng. "Sabi mo maging mabait ako, 'tapos ngayon sinasabi mo na dapat pala sinabi ko na hindi ko gagawin ang lahat kahit obvious naman na gusto lang akong parusahan ni Tito dahil sa nangyari kanila Patricia."

"Hay," sabi ni Weng. Tumingin siya kay Vince na para bang humihingi ng tulong. "Kausapin mo 'to. Sumasakit ulo ko."

Mukhang napipilitan man, tumigil pa rin sa pagkain ng Adobo si Vince at ibinigay sa akin ang buong atensyon. "Alam mo kasi, Megan, gets ko rin naman kasi talaga ang point ng Sir Rin kung bakit siya laging galit. Bakit ba kasi lagi ka na lang puyat at wala sa sarili? Dahil sa kakatambay mo sa tahian ng landlord mo? E hindi ka naman pinapasuweldo no'n. Ang sinasabi lang kasi namin ni Weng, next time, mas mag-focus ka sa trabaho mo para hindi ka nailalagay sa ganitong sitwasyon na kikitain mo 'yong gago mong ex."

"E, anong magagawa ko, naka-oo na 'ko? Sisisantihin niya ako pag pumalpak pa ako rito. Sinabi ko na last chance na 'to."

"Ayon na nga. Wala tayong masyadong choice ngayon," sabi ni Weng. "Isipin mo na lang na cheater naman 'yong ex mo at hindi dapat paghinayangan."

Kahit technically ay dapat gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Weng, nakaramdam pa rin ako ng mabigat na kahihiyan dahil sa mga sinabi ko noon. I shouldn't feel this way. Sa aming dalawa ni Derek, dapat siya ang mahiya. He was a cheater and more.

Bakit ba ako dapat matakot sa kanya? But courage left me as soon as it came.

Bad trip. Bwisit. Double B talaga. Sumubsob ako ulit sa mamantikang lamesa at pumikit nang mariin. Stupid. Pathetic. Lahat na! Dapat nga talaga siguro akong ipatapon sa Ilog Pasig.

-

"Buti hindi mo 'ko pinaghintay sa labas ng gate ng apartment niyo."

'Yan ang paunang bungad sa akin ni Tito Erning pag-upo ko sa passenger seat ng kanyang Volvo. Nginitian ko muna si Mang Pio bago liningon at binati si Tito. "Maaga po 'kong nagising as I promised."

Umirap si Tito Erning at sumisim sa Grande cup niya mula sa Starbucks. Sumilip ako sa kinauupuan niya, umaasa na baka may extra na cup para sa akin, but as usual, hindi nanaman ako kasama sa bilang.

"Baka naman ngayon lang 'yan kasi sila Derek ang kikitain natin. Alam mo na ang tardiness ang pinaka ayaw ko sa lahat bukod sa pagiging sinungaling, Megan."

"Opo," sagot ko. "Hindi na po ako male-late."

Sumilip siya sa bintana ng sasakyan at itinuro si Lola Dally na nagbubukas ng gate ng patahian niya. "'Yan ba 'yong landlord mo na lagi mong tinutulungan magtahi?"

Napangiti ako sa matandang nakatalikod na naging nanay-nanayan ko na rito sa Manila. Bukod sa pagiging landlord, isa ring mananahi si Lola Dally. "Opo. Magaling magtahi si Lola—"

"Kaya ka pala laging late," puna ni Tito at tiningnan ako taas-baba. "Kung inuuna mo kasi 'yong trabaho mo kaysa sa pagpupuyat diyan sa tahian na 'yan, e 'di sana maaga kang nakakapasok. Tigil-tigilan mo na 'yan ah."

Gustuhin ko man na sumagot mas pinili ko na lang na sumandal sa upuan at hindi na umimik.

Dumating kami ni Tito Erning sa studio ni Kiana June saktong eight-thirty ng umaga. Outside, the single-floored, orange-bricked building looked nondescript. Sa linya ng mga high-end at pang-mayaman na mga boutique sa parehong street, wala man lang lilingon sa maliit na studio ni Kiana. Kung hindi lang dahil sa napakalaki at matingkad na neon pink na KIANA JUNE STUDIOS na nakapatong sa bubong, malamang hindi ito mapagkakamalan na bahagi ng lugar na iyon.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon