"Bakit mo ginawa iyon. Bakit mo sinalo ang sampal na para sana sa kaibigan mo? Naghahanap kaba ng sakit sa katawan?"

Matalim parin ang titig niya sa akin na para bang ako pa ang may kasalanan. Kasalanan ko bang ayaw ko lang masaktan si Sthrell. Kasalanan ko bang mas gugustuhin kong ako nalang masaktan kaysa sa iba. Gusto kong sabihin kay Owen na sanay na ako. Sanay na akong masaktan, physically and emotionally. Kaya't sisiw nalang ito para sa akin.

"Dahil wala namang kasalanan si Sthrell upang makatanggap siya ng sampal. At saka okay lang ako noh. Hindi naman masyadong masakit yung sampal, parang kagat lang ng dinosaur" I joke. I saw him rolled his eyes. Ewan ko pero natatawa ako sa reaksyon niya. Patuloy lang ako sa paghagikgik nang marinig kong magsalita siya ulit.

"Mamaya na ang huling full moon ngayong buwan. Kung nanaisin mong masilayan ulit ang buwan ngayong gabi, hihintayin kita sa bakanteng lote. Matagal tagal mo ding hindi makikita ang full moon kung papalagpasin mo ito ngayon."

Yun ang huling sinabi niya bago umalis. Agad namang naglundagan ang puso ko ng maisip kong makikita ko ulit ang kagandahan ng buwan sa lugar na iyon. At hihintayin niya daw ako. Pero nanghihinayang ako na baka hindi ako sisipot dahil baka mas maaga akong umuwi.

"Hey how are feeling? Who told you to save me from the slap kase"

Ilang minuto lang ang nakakalipas nang umalis si Owen ay sumunod na din si Sthrell dito sa Clinic. Pansin sa mukha ni Sthrell na nakokonsensya siya sa nangyari sakin. Matapang na tignan si Sthrell pero ngayon parang nagbabago ang kaniyang anyo. Ngumiti ako ng masigla sa kaniya upang ipa alam na okay lang ako at hindi ko siya sinisisi sa nangyari sa akin.

"Don't smile at me! nakakairita ka" iritadong sabi ni Sthrell sa akin na dahilan ng mas pagngisi ko. Nagrolyo siya ng mata at pinagsiklop niya ang kaniyang mga braso.

" And by the way, pinagpaalam na kita sa brother mo. Nakakainis din ang isang yon. He just ignored me multiple times hanggang sa makausap ko siya ng maayos"

She rolled her eyes again as she flip her hair from the front. Sabi ko na nga ba at hindi magkakasundo ang dalawang iyon. Nakakatawang panuorin ang reaksyon ni Sthrell habang inis na inis siya sa ginawa ni Hiro. Kaya pala ay hindi siya sumunod kanina ay kinausap niya daw si Hiro dahil nakita niya daw ito sa mga studyanteng nagkukumpulan kaninang may away. Nanlamig naman ang aking buong katawan dahil posibleng nakita ako ni Hiro at maaring akalain niyang nakikipag away ako at ang kinakatakutan ko ay makarating kay ito mama.

"Tiniis ko ang kabastusan ng kapatid mo because... because nakokonsensiya ako. Kung hindi ka lang nasampal ay hindi ko pag aaksayahan yang kapatid mong attitude"

Tama nga ang iniisip kong nakokonsensya siya. Nakakatuwang tiniis niya ang kasungitan ni Hiro. Ngunit may gusto pa akong gawin kay Sthrell. At alam kong ito ang pagkakataon kong gawin ito sa kaniya. Dahil wala siyang choice.

"Ah Sthrell, If you're really sorry, can I ask a favor"

Kumunot naman ang noo ni Sthrell sa sinabi ko.

"Please Sthrell. You don't have a choice. Kita mo itong pisngi ko at tuhod ko, dahil sayo to kaya kung papayag ka sa gusto ko ay hindi kita sisihin" turo ko pa sa pisngi ko at sugat ko upang mas lalo siyang makonsensiya.

"How dare you use your situation to take advantage of me" inis niyang tugon.

"Sige na wala ka namang choice eh. Madali lang to" nagpout pa ako at nagpuppy eyes upang pumayag siya.

"Gosh! How annoying. Okay tell me what is it para tumigil kana"

Inis na inis na ang kaniyang pagmumukha pero sasabihin ko parina ang nais.

"Sthrell. Gusto kitang maging kaibigan!"

"Hell no! Are you aware that you are making the biggest mistake of your life?"

Hindi ko alam kung bakit niya naisip iyon. Simula pa noong una kaming magkita, kahit hindi naging maganda ang trato niya sa akin ay ginusto kong maging kaibigan siya. Nagkusa ang mga kamay kong hawakan ang kaniyang mga kamay at pinisil ang mga ito.

"Sthrell, ang piliing maging kaibigan ka ay hindi na dapat pinagiisipan. Wala akong nakikitang mali sayo para hindi kita kaibiganin. Sthrell let's be friends"

Nanatili ang kaniyang titig sa akin, yung titig na parang hindi makapaniwala. Kapansin pansin rin ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata. At sa pagkakataong iyon, alam kong nakuha ko na ang loob ni Sthrell. Nagkaroon na din ako ng mga kaibigan sa Bagiuo, madaming kaibigan. Ngunit kaibigan na pang kasiyahan lamang. Pero kay Sthrell, iba ang pakiramdam ko, dahil siguro pareho kaming may iniindang problema at alam kong magdadamayan kami.

Dear Diary,

           Hindi ko maipinta ang kaligayahan ko. Hindi ko aakalaing si Sthrell ay magiging kaibigan ko. Madami man siyang kapintasan at pagkakamali ang kaniyang pamilya ngunit hindi maiitatangging nagniningning ang puro niyang pagkatao. Hindi ko sasayangin ang pagkakaibigan sisimulan namin ni Sthrell. Dadamayan ko siya hanggang sa kaniyang huling problema.

                                     Nagmamahal,
                                       Hayah

"Well, let's see"






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)Where stories live. Discover now