CHAPTER FOUR

0 0 0
                                        


"Here's the laptop. You can have it untill tomorrow. Make sure to take care of it."

Inilahad sakin ni Sthrell ang laptop bago mag simula ang klase. Sa palagay ko'y hindi na siya masyadong nagtataray sakin at maayos na siyang nakikipagusap saakin simula noong nagpunta kaming library. Sarcastic ngalang magsalita. Mabait si Sthrell. Kaunting panahon ko palang siya nakikilala ay malapit na ang loob ko sa kaniya. Gusto ko siyang maging kaibigan.

Nagkaroon nang family dinner sina mama, tito Pol, Sana at Hiro kahapon at mas late pa silang nakauwi sa akin. Nasabi din ni Hiro ang paalam ko kay mama at guminhawa ang aking loob dahil wala akong natanggap na salita galing kay mama. Ngunit may dumalaw na sakit sa aking damdamin sa katotohanang hindi talaga ako kailanman magiging parte ng kanilang pamilya. Ang isipin kong nagdinner silang buong pamilya at ituring akong hindi parte ay napakasakit. Kahit saan ako magpunta, hindi ako magiging parte.

My existence doesn't matter. My pain, my feelings, everything about me doesn't matter. I am nobody.

"Huwag kang mag alala iingatan ko ang laptop mo. Mukhang napaka mahal pa naman nito at hindi ko ito kayang bayaran kung sakaling masira ko ito o maiwala."

"Yeah, whatever. Let's meet again in the Library after class. Hindi pa kumpleto ang nilalaman ng presentation. Let's work it there together."

Nakuyom ko ang aking mga daliri na nakapatong sa arm chair dahil hindi ko sigurado kung pupwede pa akong magpagabi. Nahihiya naman ako kay Sthrelll kung hindi ako makakapunta. Partner kami sa project na ito at kailangan namin itong gawing magkasama. Hindi maipinta ang pag aalala sa aking mukha dahil kailangan ko na namang magpaalam kay Hiro at alam kong mabwibwiset lang siya sa akin. Iniisip ko ang mga insulto na maaring sabihin na naman ni Hiro sa akin kung pupuntahan ko ulit siya.

" Ako na ang magpapaalam sa kapatid mo kung yan ang ina alala mo."

Gulat akong napatingin salikod ko nang marinig iyon kay Sthrell. Paano niya nalaman na magkapatid kami ni Hiro. At siya daw ang magpapaalam sakin? Close ba kami? Siguro ay masyadong halata kung paano magbago ang expression sa muka ko dahil sa pag aalala. Well medyo nakakagaan ng loob na siya ang gagawa noon sakin pero paano kung magalit sa kaniya si Hiro. Matapang na tignan si Sthrell kaya't baka magkasagutan sila. Yung ang inaalala ko.

"Medyo mainitin ng ulo si Hiro eh. Baka sakaling masabihan ka niya ng hindi mo magugustuhan. At paano mo nalaman na kapatid ko ang pinuntahan ko sa Highschool Department?" nagtatakang tanong ko kay Sthrell.

"You and that young boy have the same features. At wala akong pake kung ano man ang masabi niya sa akin. You know how harsh I talk."

At dahil sa sagot niyang iyon ay alam kong hindi malayong magkasagutan sila kung saka sakali. May pagkakatulad pala kami ni Hiro at hindi ko iyon napansin. Nalaman ko pa talaga kay Sthrell. Kinakabahan parin ako sa pag uusap nila ni Hiro.

Halos mangawit na ang aking mga binti sa kakahabol sa yapak ni Sthrell dahil sa bilis niyang maglakad. Halos takbo na ang ginagawa ko upang mapantayan ko lang ang kaniyang paglalakad.  Break time namin ngayon at napagdesisyonan ni Sthrell na ngayon na daw siya magpapaalam kay Hiro. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa hallway ng Highschool Department ngunit bigla akong nakarinig nang bulung bulungan sa paligid.

"Diba yan yung Sthrell, yung anak ng corrupt at criminal"

"True ka jan girl. Malay mo ang pinagbabayad niya sa tuition ay galing sa kaban ng bayan. "

" Diba tatay niya si Mayor Avilla. Gosh mamamatay tao daw yong si Mayor."

"Mga walang kaluluwa"

" Sana ma ambush yung Mayor na iyon at pagbabarilin. He deserves to die."

Ramdam ko ang paghinto ni Sthrell nang marinig ang mga salitang iyon galing sa mga highschool students. Hindi ko labis na kilala ang pamilya ni Sthrell at ang kaniyang ama pero ang mga salitang binabato nila kay Sthrell ay below the belt na.  Hindi naging makatarungan ang hilingin ang kamatayan ng isang tao.  I saw Sthrell clenched her fist as she turn her head to the girl who have spoken such a bad words. Matalim na tinignan ni Sthrell ang mga babaeng nagchichismisan. Humakbang siya papalapit sa mga babaeng iyon at kita kong nagngingitngit na siya sa galit. Masama ang lagay ko sa maaaring gawin ni Sthrell kayat agad kong hinawakan ang kaniyang braso upang pigilan siya ng tabigin niya ang kamay ko at tuloy tuloy na naglakad papunta sa mga babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)Where stories live. Discover now