"Anong oras na at ngayon ka lang umuwi Hayah. Gawain ba ito ng matinong estudyante. Ano lumalandi ka na!" Itinikom ko ang aking mga daliri dahil sa panunumbat saakin ni mama. Hindi ko aakalaing masasabi iyon ng sarili kong ina. Sobra ang sakit ng puso ko na parang sasabog na ito ng wala sa oras. Nagpigil ako ng iyak upang hindi nila isiping mahina ako ngunit sa totoo lang wala na talaga akong mailuha pa.
"Ma, hindi naman sa gano--"
" Sumasagot ka na. Yan ba ang natutunan mo sa paninirahan sa tiyahin mo sa Baguio at naging magaspang ang ugali mo. Walang modo" My mom cut me off. This is too much for me. Pinanatili kong tikom ang bibig ko dahil gusto ko ng matapos to. Abala sa pag cecellphone si Sana at nakangisi pa dahil sa naririnig na insulto ni mama sakin habang si Hiro naman ay gumagawa ng kaniyang takdang aralin sa isang coffee table sa labas. Mabuti narin at hindi pa nakakauwi si Tito Pol dahil nasa trabaho pa ito. Bakit pag si Sana ginagabi galing party walang sinasabi si mama? Nagtanong kapa Hayah, malamang, sino kaba sa buhay ng sarili mong nanay.
"As if naman may papatol jan ma. She's not even pretty. Ma, can you think more wisely?" Baka naman nagwalwal na yan" pagsisingit ni Sana na nagpakulo ng dugo. Gusto ko siyang saktan, sabunutan o kahit sumbatan lang si Sana ngunit alam kong mas lalalaki lamang ang gulo kayat nakayuko na lamang ako at tinatanggap ang mga masasakit na mga salita galing sa kaniya.
"Walang maganda sa mga lalaki basta't malandi ang babae. Kaya ikaw Hayah, unang araw mo palang ginabi kana. Pag ikaw nabuntis wala kang suporta na makukuha sa akin at maari ka naring lumayas sa bahay ko pag nagkataon." Sa sinabing iyon ni mama ang nagpabigat lalo ng dibdib ko. Ganoon na ba ang tingin nila sa akin, madaling mabuntis, at malandi. Ma,paano mo nakakayang sabihin yan sa sarili mong anak? Ma, sana naririnig mo ang sinasabi mo. Di ko namalayan na unti unting bumabagsak ang aking mga luha dahil sa bigat ng dinadala ko. Mag dadalawang linggo palang ako dito ngunit sobrang nahihirapan nako. Kaya mo yan Hayah, kakayanin mo.
"At anong ini iyak iyak mo diyan? Hindi umuobra sakin ang pag iyak iyak. Hindi ka aasenso sa pagiyak lang. Masakit ba ang mga sinabi ko? Pwes umayos ka!" Mas lalong bumigat ang puso ko ng marinig muli iyon kay mama. Bakit ka ba kasi umiiyak. Tiisin mo nalang Hayah. Alam mong hindi katotohanan ang binibintang nila sayo kaya huwag mong damdamin. Huwag na huwag kang iiyak sa harap nila kahit kailan dahil pagsasamantalahan lang nila ang iyong kahinaan.
Agad ko namang pinahid ang kanan kong pisngi upang mapunasan ko ang aking mga luha. Kita ko ang pagngisi ni Sana at pagtingin niya sa akin na para bang gustong gusto niya ang nang yayari sa akin. Si Hiro naman ay nakatuon lamang sa kaniyang assignment at walang pakealam sa mga nangyayari. Nakatanggap muli ako ng pangungutya mula kay Sana ngunit hindi nalang ako muling nagsalita pa at nanahimik nalang kahit sobrang sakit sa puso ang dulot noon sakin.
Pagkatapos ng matinding pangyayaring iyon ay tumungo agad ako sa banyo ng
aking kwarto at doon ko pinakawalan lahat ng luhang naipon ko. Nakasandal lang ako sa pintuan habang yakap ng isa kong kamay ang tuhod ko at ang isa ko pang kamay ay pinantakip ko ng bibig ko upang walang makarinig. Ang lahat ng sakit, galit at hinagpis ko ay pinakawalan ko sapagkat bukas ay alam kong panibagong sakit na naman ang pupuno sa aking puso. Paghikbi ko lamang at ang tubig na dumadaloy sa gripo ang naririnig ko. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang paghihirap ko ngunit isa lamang ang alam ko, hindi ito pang habambuhay.
Pumasok ako sa eskwelahan ng masigla at parang walang iniinda. Hindi narin ako sumabay sa umagahan at alam kong yun din ang gusto ng mga kasamahan ko sa bahay. Normal lang naman ang takbo ng buhay ko sa eskwelahan. At sa tingin ko'y mas payapa pa rito kaysa sa bahay. Hindi nadin ako makapaghintay mamayang hapon dahil nais kong masilayan muli ang sunset. Siguro gagaan kahit gaano ang aking pakiramdam ko pag muli ko itong masilayan. Hays, can't wait.
YOU ARE READING
WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)
Teen FictionA girl who lived by battling depression, anxiety and all the negativity in her environment. And how she found pure love in the midst of a cruel world. When she's okay, will she stay in his arms or will she be okay?
