HOY STHRELL! ANONG KARAPATAN MONG SAMPALIN ANG KAIBIGAN KO HA!? ANG KAPAL NG PAGMUMUKHA MO!"
Isang manipis ngunit malakas na tinig ang umalingawngaw sa Canteen. Agad namang naglingunan ang mga studyante sa pinanggalingan ng sigaw ngunit ewan ko pero wala talaga akong pake alam kung sino man ang mga nag aaway. Tuloy parin ako sa pagsubo ng egg sandwich ko habang nag iiscroll sa facebook.
Lunch break namin ngayon ngunit wala talaga akong balak kumain dahil sa nangyari kaninang umaga at nawalan ako ng gana pero wala pang laman ang kawawa kong tiyan kaya bumili na lang ako ng sandwich. Maayos naman ang takbo ng unang araw ko dito sa Daelman High. Maayos ang pakikitungo ko sa mga classmates ko at may mga nakakausap din ako.
"IF YOU DON'T WANT YOUR FRIEND TO BE SLAPPED THEN TELL HER TO SHUT HER FUCKING MOUTH! STUPID BITCH!"
Isang sigaw ulit ang galing sa isa pang babae na siguro ay kaaway ng babaeng sumigaw kanina. Siguro siya si Sthrell. Rinig ko ang pag urong ng mga monoblocks at nang mapatingin ako sa kinaroroonan ng away, Hawak hawak ngayon ng babae ang collar ni Sthrell dahilan nang pagtayo ni Sthrell. Kitang kita ang talim ng mga mata nila sa isa't isa. Siguro mga ilang segundo rin silang nagkatitigan hanggang nagsalita ulit ang babaeng may blonde na buhok at naka high heels pa.
"BAKIT? GUILTY KA BA NA TOTOONG ANG PARATANG SAYO NI HENNY NA CORRUPT ANG TATAY MO AT MAMATAY TAO? PANO MO NAKAKAYANG LUNUKIN ANG PAGKAIN NA YAN KUNG ANG GINAMIT MONG PAMBILI AY PERA NG IBANG TAO. PAMILYA KA NG CRIMINAL PWE!" nakangising sambit ng babae habang umaaktong parang nadudura. Alam kong wala akong alam sa nangyayari pero hindi ko nagustuhan ang sinabi ng babae. Criminal man o hindi, wala siyang karapatang insultuhin siya. I'm sure there is story behind all things. And i know that there is story behind Sthrell.
" You don't know any piece of shit about me Cramer so stop bringing that bullshit about me!" tanging tugon ni Sthrell sa mga sinasabi ni Cramer daw ang pangalan. Tumayo at tumalikod si Sthrell ng mahinahon na para bang walang nangyaring sigawan at isinuot ang earphone. May katangkaran si Sthrell at above shoulder ang buhok niyang ash brown. Hindi ko maitatangging maganda ito ngunit blangko ang kaniyang mukha. Napaka kalmado niyang tignan.
Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay ang sunod sunod na discussions sa klase. May mga natutunan naman ako ngunit halos lahat ng mga discussions ay about sa mga rules and regulations every subject dahil nga unang araw palang ito. Madali rin akong naka adjust sa mga classmates ko dahil friendly rin naman ako. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay kaklase ko pala si Sthrell. Bakit ngayon ko lang nalaman. Uh siguro hindi ko lang talaga nilibot ng maigi ang mga mata ko kanina kaya hindi ko siya napansin.. oh di kaya nag cutting siya dahil hindi ko narinig ang pangalan niya noong introduce yourself.
And I'm totally shock when I realized that she's sitting behind me. Omg paano ko siya kakausapin ganoong nakakatakot ang blangko niyang mukha. You can do it Hayah kausapin mo si Sthrell diba friendly ka.
Kaya nilingon ko siya at minememorize ang mga sasabihin ko sa kaniya kaya at napansin kong para akong tangang nakatitig sa kanya at nang inangat niya ang kanyang ulo dahil siguro napansin niyang nakatitig ako ay nataranta ako. Shit!
"What?" pagtataray niya sakin at nakataas pa ang kanang kilay niya. Shit anong sasabihin ko.
" U-uhm hi, I-m Haith Yanais Oinuma you can call me Hayah at Oinuma ang apelido ko dahil japanese ang tatay ko and galing pa akong Bagiuo and--"
" Do I look like interested about your life" she cut me off while raising her eyebrows. Muli niyang binalik ang earphone sa kaniyang tainga at ibinaling ulit ang tingin sa kaniyang cellphone. Shit nakakahiya. Panindigan mo to Hayah.
"Do you need a friend? I can be your friend. I am friendly kaya dapat friend mo na ko. Friends na tayo ha" pagsusumamo ko at nag puppy eyes nadin ako ngunit mas uminit ang muka ko ng pandilatan niya ako.
YOU ARE READING
WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)
Teen FictionA girl who lived by battling depression, anxiety and all the negativity in her environment. And how she found pure love in the midst of a cruel world. When she's okay, will she stay in his arms or will she be okay?
