Sa huli ay pumayag din si Sthrell na maging kapartner ko sa project. Pinuntahan niya ako sa Canteen at sinabi niyang wala siyang choice kung hindi ang pumayag sa alok ko. Kahit papano ay gumaan ang loob ko dahil sa wakas ay pumayag din siya. Ni minsan ay hindi ko pinag isipan si Sthrell ng masama sa kabila ng pinaparatang sa kaniya. Ewan ko pero gusto ko siyang makilala pa.
Pumunta ulit ako ng rooftop ngunit hindi ko na nahintay ang sunset kayat umuwi ako kaagad upang hindi na ako pagalitan pa. Ganoon parin pagdating ko sa bahay. Mainit ang tingin nila sa akin ngunit wala akong magawa kundi isuksok ang sarili sa isang kwarto. Sumama parin akong maghapunan sa kanila ngunit sermon at insulto lamang ang nakukuha ko. Ngunit sa tingin ko ay kailangan ko nang masanay sa ganoong set up. Magiging maayos rin ang lahat.
Dumaan muna ako sa Girl's Comfort Room upang mag ayos bago pumasok sa Classroom. Tinitigan ko ng maigi ang aking mukha upang sa ganoon ay malaman ko kung ano ba ang mali sa akin at parang ang hirap kong mahalin. Maitim at above shoulder ang aking buhok. Mestiza ang aking kutis at medyo may kasingkitan ang aking mata. Payat at matamlay kung titignan ang aking katawan. Tama nga si Sana, walang magkakagusto sa akin.
Palabas na sana ako ng banyo nang biglang may patakbong pumunta ng sink at agad binuksan ang gripo na para bang nagmamadali siya. Napatingin ako sa babae ng mapagtanto kong si Sthrell iyon at.. at may dugo sa gilid ng labi niya na pilit nitong pinupunasan ng tubig. Naibaling niya sa akin ang kaniyang tingin dahil nakatitig lang ako sa kaniya dahil sa gulat. Matalim niya akong tinignan at nakakunot ang kaniyang kilay at dahil don ay nataranta ako. Hindi ko alam kung bakit bigla kong kinapa ang bag ko at naghanap ng kung ano ano. Nakita ko ang isang band aid na naka siksik sa notebook ko at nagkusa ang mga kamay kong ibigay iyon sa kaniya at tinitigan lang niya ito. Ngunit laking gulat ko ng hinablot niya ito at agad umalis. Ewan ko kung masisiyahan ba ako na tinanggap niya iyon o maiinis dahil sa paghablot niya. Hays bahala na atleast kinuha niya.
Palabas na ako ng pintuan at nakayuko lamang habang tuloy tuloy ang aking paglakad nang biglang nabunggo ang ulo ko sa kung kaninong dibdib ito. Namilipit ang noo ko sa sakit dahil matigas din ang dibdib nitong kung sinong tao ito.
"OUCH!" pagiinda ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa noo ko. Agad agad kong iniangat ang ulo ko at laking gulat ko ng masilayan si Owen na nakatingin sa akin at blangko parin ang mukha niya. Hindi na ba magbabago ang facial expression niya. Sayang pogi pa naman.
"Ano ba kaseng nakita mo dito sa sahig at dito ka nakatitig at hindi sa dinadaanan mo." malamig na sambit ni Owen at parang ako pa ang sinisisi niya. Hindi man lang marunong magsorry tskk. Kung nakatingin siya sa dinadaanan niya ay sana iniwasan niya ako. Edi tanga rin siya.
Maglalakad na sana siya at lalagpasan ako ngunit napagisipan kong pagtripan siya. Umakto akong parang nahihilo at hawak ng dalawa kong kamay ang ulo ko. At dumaing daing na para bang masyadong masakit ang pagkabunggo ko. Shit ang OA ko ba.
"Ouch! Ang sakit talaga ng ulo ko pakiramdam ko nagkabukol ako o di kaya mahihimatay ako" pag paparinig ko upang makonsensya siya. Rinig ko ang paghinto niya at ang kaniyang pagbuntong hininga. Nainis ba siya. Well wala akong pake basta mabwiset ko lang siya. Isang kamay ang humablot sa pulsuhan ko at tinangay ako nito patungo kung saan. Halos habulin ko ang yapak ni Owen dahil malalaki ito at ang akin ay maliliit. Pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit masyado siyang malakas.
"Wait lang! San mo ko dadalhin? May klase pa ako. Bitawan mo ko!" patuloy parin ang pagbawi ko sa aking kamay ngunit sadyang malakas siya.
"Dadalhin kita sa Clinic. Magpagamot ka don. Ginusto mo to, panindigan mo" rinig kong sabi niya mula sa harapan. Nakakahiya ang ganoong posisyon namin dahil pinagtitinginan na kami ng styudante. Tuloy parin ang paghila niya sa akin hanggang maka abot kami sa clinic at natagpuan ko nalang ang katawan kong nakahilata sa isang hospital bed. Iniisip ko padin ang klase ko. Excuse kaya ako o inakala nilang absent ako o di kaya nagcutting.
ESTÁS LEYENDO
WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)
Novela JuvenilA girl who lived by battling depression, anxiety and all the negativity in her environment. And how she found pure love in the midst of a cruel world. When she's okay, will she stay in his arms or will she be okay?
